^

PSN Opinyon

Gobyerno bawal magpondo ng simbahan, sekta, pari

SAPOL - Jarius Bondoc -

AGAD nag-react ang ilang mambabasang abogado, sa column ko nung Lunes. Tungkol ‘yun sa pag-approve ng board of directors ng Philippine Charity Sweepstakes Office nu’ng 2009 ng bigyan si Catholic Bishop Juan de Dios Pueblos ng four-wheel-drive vehicle na nagkakahalaga ng P1.7 milyon.

Anang mga abogado, bawal ‘yon, dahil labag sa Konstitusyon. Ayon sa Artikulo VI, Ang Kagawarang Tagapagbatas, Seksyon 29-(2): “Hindi kailanman dapat ilaan, iukol, ibayad, o gamitin ang ano mang salapi, o ari-ariang pambayan, sa tuwiran o di-tuwiran, para sa gamit, pakinabang, o tangkilik sa ano mang sekta, simbahan, denominasyon, institus-yong sektaryan, o sistema ng relihiyon, o sa sino mang pari, pastor, ministro, o iba pang mga guro o dignitaryo ng relihiyon bilang gayon, maliban kung ang gayong pari, pastor, ministro, o dignitaryo ay nakatalaga sa mga sandatahang lakas, o sa alin mang institusyong penal, o ampunan o leprosaryum ng pamahalaan.”

Pagpapatupad ito ng prinsipyo ng paghihiwalay ng Simbahan at Estado. Upang malayang makapag-sam­palataya ang mga mamamayan, pinagbabawalan ang gobyerno na paboran ang isang relihiyon lamang. Saad sa Artikulo III, Bill of Rights, Seksyon 5: “Hindi dapat mag­ balangkas ng batas para sa pagtatatag ng relihiyon, o nagbabawal sa malayang pagsasagamit nito. Dapat ipahintulot magpakailanman ang malayang pagsasagamit at pagtatamasa ng pagpapahayag ng relihiyon at pagsamba nang walang pagtatangi o pamimili. Hindi dapat kaila-nganin ang pagsusulit pangrelihiyon sa pagsasagamit ng karapatang sibil o pampulitika.”

Nu’ng 2009 pinaboran ng PCSO ang iisang Kaloli-kong obispo.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

ANANG

ANG KAGAWARANG TAGAPAGBATAS

ARTIKULO

AYON

BILL OF RIGHTS

CATHOLIC BISHOP JUAN

DIOS PUEBLOS

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES

SEKSYON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with