^

PSN Opinyon

Paglaya at Kaarawan

PILANTIK - Dadong Matinik -

Paglaya at birthday ang ginugunita

ngayong buwang ito nitong ating bansa;

Noong Hunyo 12 tayo ay lumaya

Hunyo 19: Rizal na dakila!

Dalwang araw itong sa puso ng bayan

lubhang mahalaga’t di dapat bayaang

Sa historya natin dapat kaligtaan

pagka’t mga araw ito ng kadakilaan!

Matapos na tayo’y lumaban sa digma

bansang Amerika ay lubhang humanga;

Ang misyon ni Quezon ay naging mabisa

kaya tayong lahat lubos na lumaya!

At nauna rito’y isang Jose Rizal

ang sa ating bansa’y labis na nagmahal;

Ang mga Kastila’y kanyang nilabanan

na talas ng diwa naging kasangkapan!

Pinatay si Rizal kaya naging martir

nagbuwis ng buhay nang dahil sa atin;

Siya ay bayaning tunay na magiting –

magpahangga ngayo’y walang kasinggaling!

Sumunod sa kanya’y maraming bayani

kaya itong bansa ay lalong natangi;

Sina Bonifacio, Del Pilar. Mabini

dugo rin ang alay sa layang minithi!

Ang diwa ni Rizal – diwang Pilipino

kung kaya paglaya ang ginusto nito;

Sa loob ng bansa sa labas man nito

laging kalayaan ang hangad sa mundo!

Ang dugo ni Rizal nasa ating ugat

dumadaloy ito sa pusong may sugat

Kaya matatantong sa lahat ng oras –

hind paaapi sa sinumang sukab!

Ang puso ni Rizal nasa ating puso

kaya kung umibig hindi naglililo;

Pag-ibig sa bayan tapat na pangako

masasawi tayong bayan ang pintuho!

AMERIKA

DALWANG

DEL PILAR

HUNYO

JOSE RIZAL

KASTILA

NOONG HUNYO

RIZAL

SINA BONIFACIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with