^

PSN Opinyon

Pagtutuwid sa reckless drivers

SAPOL - Jarius Bondoc -

DAPAT pabulaanan, bago lumaganap ang reckless driving, ang mga palusot ng bus driver na bumundol sa taxi kaya napatay si journalist Chit Estella nu’ng nakaraang buwan. Anang salarin, kasalanan lahat ng isa pang bus driver na sumagi sa kanang tagiliran ng taxi, at ng cabbie na bigla namang pumreno. Biktima lang kuno siya ng sitwasyon, kaya nabundol niya sa likod ang taxi at nasawi si Estella. Kalokohan ‘yon. Hindi tumututok ang matinong driver sa sinusundang sasakyan, kasi hindi niya alam kung bigla at kelan ito hihinto. Maysala ang sinumang bumundol sa likod.

May international rules sa wastong distansiya ng mga sasakyan. Batay ito sa karaniwang bilis ng tao tumukoy at kumilos sa sakuna, at kakayahan ng sasakyan na huminto dahil sa bilis, bigat, at kundisyon ng preno, gulong at daan (halimbawa, padausdos o basa). Anang mga eksperto, ang tamang distansiya ay isang kotse, tatlong metro sa bawat 10-kph na speed. Ito’y para may supisyenteng segundo at espasyo para pumreno ang responsableng driver kapag biglang huminto ang nasa harapan. May 60-kph speed limit sa Commonwealth Avenue, Quezon City, kung saan naganap ang sakuna. Dapat anim na kotse ang pagitan ng driver sa sinusundang taxi. Tiyak hindi niya sinunod ang alituntunin.

Bukod dito, ang driver na masunurin sa batas ay hindi nililisan ang banggaan —maliban lang kung magpapagamot, tatawag ng pulis o doktor, o kung may totoo, hindi kathang-isip, na peligro, tulad ng pagliliyab ng sasakyan o panggugulpi ng mga usisero. Saad ito sa Land Transportation and Traffic Code of 1964 (R.A. 4136), Section 55. Nilisan ng bus driver ang eksena, ni hindi tinignan kung matutulungan ang cabbie at pasahero, at lumitaw makalipas lang ang isang linggo.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

ANANG

BATAY

BIKTIMA

BUKOD

CHIT ESTELLA

COMMONWEALTH AVENUE

DAPAT

DRIVER

LAND TRANSPORTATION AND TRAFFIC CODE

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with