^

PSN Opinyon

Mabuting kaibigan?

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

CONGRATULATIONS kay tukayo Ernesto “Totoy” Diokno sa desisyon na magbitiw matapos ang pinakabagong iskandalo ng administrasyong Aquino sa kanyang bakuran sa Bureau of Corrections. Matagal ding binabakbakan si Diokno sa kanyang kapit-tuko sa puwestong anunsyo sa kasagsagan ng illegal na Leviste living out arrangements. Ngayong hindi na siya kunektado kay P-Noy, malaya na niyang masasagot ang mga paratang at hamon sa kanya nang hindi naiipit ang Malacañang.

Tulad ng inaasahan, in-denial si P-Noy kapag ang mga kaalyado niya ang napupulaan. Mayroon pa bang mas bulag sa nagbubulag-bulagan? Kaya nga imbes na parusahan si Diokno ay halos parangalan pa ito ng Malacañang sa kanyang atrasadong delikadeza. Mabuti na lang at wala sa kamay ng Presidente ang huling pasya sa magiging pananagutan ni Diokno sa nangyari. Kung ayaw proteksyunan ng presidente ang interes ng taumbayan, ang batas ang huling bantay laban sa anumang pagkukulang ng mga nasa kapangyarihan. Kung ang suma total ng ikinilos ni Diokno ay mayroon siyang nagawang pagkakasala, dapat lang niya itong panagutan.

Mapait lang sa panlasa ang hayagan at mabilisang pagpawalang-sala ni DOJ Sec. Leila de Lima kay Diokno na para bang na-extinguish na ng pag-resign nito ang kasalanang pinaratang. Sa isang iglap, naapektuhan ang reputasyon ni De Lima bilang pangunahing naninindigan sa pangkat ng presidente. Anong paninindigan ang ipagmamalaki gayong malinaw na rubber stamp ang nangyari sa pagtatakip na ginawa niya para sa kabarilan ng presidente? Para niyang nililimas ang maruming tubig na iniipon ng administrasyon. Nabinyagan yata siya muli sa pangalang Leila de Limas.

Kabilang ako sa napapakamot sa ulo sa lalim na ng binagsak ng pagtingin ng tao sa isang presidenteng inasahan sanang magiging kakaiba sa kanyang mga nasundan. Sa Diokno episode, ipinakita lang ni P-Noy na hindi ito mag-aatubiling gamitin ang napakalawak na kapangyarihan ng pa­mahalaan kapag may naipit itong kaibigan. Translation? Mabu-ting kaibigan si P-Noy. Kaso nga lang, wala rin pala itong pinagkaiba sa mga nasundang presidente na inuuna ang interes ng kasamahan sa kabutihan ng lipunan at ng mamamayan. Baluktot na pagkakaibigan.

ANONG

AQUINO

BALUKTOT

BUREAU OF CORRECTIONS

DE LIMA

DIOKNO

LEILA

MALACA

P-NOY

SA DIOKNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with