Babae ang Ombudsman

MARAMI ang nag-apply sa Judicial Bar Council para humalili sa nagbitiw na si Ombudsman Merceditas Gutierrez kaya naman masusing pinag-aaralan ng mga taga - JBC ang mga applicant para isumite ang short list kay P. Noy na siya naman pipili ng pangalan para maging bida este maging pinuno sa OMB.

Hinihimay ng JBC ang kredibilidad, katapatan, integridad ng isang Chief Ombudsman kaya hindi biro ang kanilang trabaho sa ngayon hanggang ibigay nila kay P. Noy ang mga pangalan ng kanilang rekomendado at bahala na ang panggulo este mali pangulo pala na pumili sa listahan.

Sabi nga, pressure este pleasure of the President of the Republic of the Philippines my Philippines.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isa sa napupusuan ng malakanin este Malacañang pala ang pangalan ni Supreme Court Associate Justice Conchita Carpio Morales, 70 years old.

Matatandaan si P. Noy ay nanumpa bilang pangulo ng Republika ng Philippines my Philippines kay Morales matapos niyang isnabin si Supreme Court Chief Justice Renato Corona matapos manalo ang una sa nakaraan presidential election.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, llamado kay P. Noy si Morales dahil ito na daw ang gusto nito?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Si Morales, ay magre-retiro na sa SC ilang buwan mula ngayon pero sa tunog ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang bababa ito ng mas maaga sa SC.

Abangan.

Rice smuggling malala sa Visayas

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, grabe as in grabe ang rice smuggling sa Cebu hindi daw ito kayang pigilin ng Bureau of Customs doon dahil kasabwat ang mga bugok na opisyal dito.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, saksakan ng yaman ang opisyal na bugok na sinasabing isang ‘Cilvetres’ sa bureau dyan sa Port of Cebu dahil sa dami ng kinita nito sa mga smuggler sa kanyang nasasakupan.

Sabi nga. Limpak,limpak na salapi ang kinita nito.

Show comments