MATAPOS ang isang taon, nailantad na rin ni P-Noy ang master plan para sa bansa hanggang sa 2016. Kung tutuusin, halos wala naman itong kinaiba sa plano ng mga nakaraang administrasyon. Gayunpaman ay umaasa ang karamihan na mas mapapangatawanan ito ng Aquino administration.
Increased tax collection ang isa sa haligi ng plano. Sa ngayon ay tinatayang 5 million lang sa taxpayers ang nagbabayad ng taxes kumpara sa 20 million na hindi. Mantakin niyong halos P250 billion ang nawawala kada taon sa hindi tamang pagkulekta ng buwis! Mukha namang seryoso ang mga hakbang ng pamahalaan sa ilalim nina DOF Secretary Cesar Purisima, BIR Commissioner Kim Jacinto Henares at Run Against Tax Evaders (RATE) Chief Claro Ortiz kaya aabangan natin ang magiging improvement ng performance ng P-Noy administration sa usaping ito.
Ang higit na interesanteng bahagi ng plano ay ang pagpapatupad ng National Tourism Development Plan. Kikilalanin nito ang pakinabang ng paggamit ng social media tulad ng facebook, twitter at iba pa; pupuntiryahin din nito ang napakalaking sektor ng mga kababayan natin sa ibang bansa at ibebenta ang yaman at sari-saring uri ng ating kultura, kasama na ang culinary tourism.
Ang ambisyon ni P-Noy ay dumoble ang turista sa 6.3 million sa 2016 mula sa 2.7 million noong 2009. Talo tayo sa Malaysia (23.6), Thailand (14.1), Singapore (9.7), Indonesia(6.5), Vietnam (3.8). Ayon sa Tourism Department, nangingibabaw pa rin sa atin ang 3Ds ng negatibong imahe – dirty, dangerous and disorderly. Ito ang hamon sa ating pamahalaan kasama na rin ng pagtatag ng imprastruktura ng turismo – mga airport, kalye, magandang hotel at sanitation facilities.
Maganda ang planong ito dahil sa kumpiyansa na talaga namang kaganda- han ang ating lugar at kultura. At natapilok man si Secretary Alberto Lim sa pu-malpak na P-Noy Tourism campaign, umaasa pa rin tayo na maipapatupad ang pla- no. Malaki laki pa rin ang puhunang trust rating ni P-Noy – habang hindi ito tuluyang nalalagas ay ma-master na sana ang plan nang maiahon ang ating bansa sa lugmok na kinalalagyan.