^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kailangan ang malinis na inuming tubig

-

MODERNUNG-MODERNO na ang mundo, uma­a­­lagwa ang mga kung anu-anong mga natutuklasan para teknolohiya, para sa computer, mga gadget, may iPad, at kung anu-ano pa. Pero alam n’yo bang maraming lugar pa pala sa Pilipinas ang walang malinis na tubig? Yes, kung gaano kamoderno ang teknolohiya, ganito naman kaatrasado ang mara-ming lugar na kahit inuming tubig ay wala.

Umano’y 155 bayan sa Pilipinas ang walang malinis na inuming tubig. Kagila-gilalas ito pero totoo. Doon sa mga liblib na lugar ay marami pa ring residente ang nakabingit sa panganib ang buhay dahil walang inuming malinis na tubig. Kakahiya ang nangyaya-ring ito. Kapag malinis na tubig na ang pinag-usapan, malaking usapin ito sapagkat kapag walang malinis na tubig ang isang komunidad ibig sabihin ang lahat ng sakit ay nakasaklot sa mga residente. Sa tubig na iniinom nakukuha ang mga sakit.

Isang matibay na halimbawa ay ang pagkamatay ng mga residente sa isang barangay sa Palawan ilang buwan na ang nakararaan. Tinatayang nasa 30 katao ang namatay nang magkasakit ng cholera. Karamihan   sa namatay ay mga bata. Napag-alaman na ang iniinom ng mga residente ay ang tubig na galing sa ilog. Sinasalok nila at saka diretsong iniinom. Ang masama, sa ilog na iyon din sila dumudumi. Iyong dinumi nila ay muli nilang ipinasok sa kanilang bituka kaya naging dahilan ng kanilang pagkakasakit. Hindi agad natuklasan ng mga awtoridad ang pagkakasakit ng mga residente kaya lumala. Nang mabatid ang dahilan ng kanilang kamatayan, saka lamang nagrasyon ng malinis na tubig ang mga awtoridad. Kung kailan marami nang namatay saka lamang pinag-ingat ang mga residente.

Pangako ni Interior Secretary Jessie Robredo na magkakaroon na nang malinis na tubig ang lahat ng munisipalidad sa bansa. Ang DILG, Department of Health at National Anti-Poverty Commission ay lumagda sa implementing rules at regulations para sa pagkakaroon nang malinis na tubig sa lahat ng munisipalidad. Hindi na raw magtatagal at matitikman na ang dalisay na tubig.

Sana ay totoo ang pangako ni Robredo. Malinis na tubig ang kailangan para makaiwas sa sakit. Panahon na para naman makalasap nang malinis na tubig ang mga nasa liblib na lugar. Tapusin ang kanilang pagkauhaw. Bigyan sila ng dalisay at malinis na inuming tubig.

BIGYAN

DEPARTMENT OF HEALTH

INTERIOR SECRETARY JESSIE ROBREDO

ISANG

IYONG

MALINIS

NATIONAL ANTI-POVERTY COMMISSION

PILIPINAS

TUBIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with