^

PSN Opinyon

Bilibid VIP treatment

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

DAPAT imbestigahan ang isyu ng umano’y pagbibigay ng VIP (very important person) treatment ng mga jail official sa mga mayaman at maimpluwensiyang bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP).

Ito ang panawagan ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, kasunod ng pagkadiskubre sa paglabas-masok ni dating Batangas governor Jose Antonio Leviste sa nasabing piitan.

Si Leviste ay hinatulan ng Makati Regional Trial Court ng 6-12 taong pagkakulong dahil sa pagkakapatay niya sa kanyang aide na si Rafael de las Alas noong Enero 12, 2007, at kinatigan ng Court of Appeals ang naturang hatol.

Isa umano si Leviste sa 109 na bilanggo na nasa ilalim ng “living-out under minimum security status” na ang ibig sabihin ay malaya silang nakalalabas ng kanilang selda kahit walang escort pero hanggang sa loob lang ng NBP compound.

Puwede rin silang lumabas pansamantala sa NBP compound sa mga sensitibong sitwasyon, gaya ng: kung mayroon silang kaanak na namatay at kailangang dalawin, kung ipinatatawag sila ng hukuman, o kaya ay kailangan nila ng agarang hospitalization. Sa nasabing mga sitwasyon, mag-iisyu ng pass ang Department of Justice (DOJ).

Nitong Mayo 18 ay nakita si Leviste sa kanyang LPL building sa Makati at nabistong wala siyang DOJ pass kaya agad siyang hinuli at ibinalik sa NBP. Umano’y tatlong beses nang labas-masok sa NBP si Leviste bago pa man siya naaresto sa Makati. Nilinaw ng DOJ na kahit minsan ay hindi sila nag-isyu ng pass kay Leviste kaya iligal ang paglabas nito sa piitan.

Ayon kay Jinggoy, kaila­ngang imbestigahan ang nasabing “Bilibid VIP treatment” issue. Dapat din aniyang mag-resign si Bureau of Corrections Director Ernesto Diokno na nangangasiwa sa piitan. “I am reminding Director Diokno of the doctrine of command responsibility; the liability ultimately points to him as the BuCor chief. He should therefore resign immediately from his post,” sabi ni Jinggoy.

BUREAU OF CORRECTIONS DIRECTOR ERNESTO DIOKNO

COURT OF APPEALS

DEPARTMENT OF JUSTICE

DIRECTOR DIOKNO

JINGGOY

JOSE ANTONIO LEVISTE

LEVISTE

MAKATI

MAKATI REGIONAL TRIAL COURT

NEW BILIBID PRISON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with