Dear Dr. Elicaño, ako po ay isang estudyante. Ibig ko pong itanong ang tungkol sa namamaga kong gilagid. Masakit po at kapag nagto-toothbrush ako ay nagdudugo. Ano po kaya ang dahilan nito. Pagpayuhan mo po ako. —MIKEY ng Tondo, Manila
Ang tawag sa pamamaga ng gilagid ay gingivitis. Pa-latandaan ng may gingivitis ay ang pananakit ng gilagid at pagdurugo nito. Mapapansin ang pagdurugo ng gilagid habang nagsisipilyo.
Bacteria ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng sakit sa gilagid? Ang bacteriang ito ay namumuo sa ngipin at tinatawag na plaque. Ang plaque ay matigas na parang sementong nakakapit sa ngipin. Kapag ang plaque ay hindi naalis sa pamamagitan ng pagto-toothbrush, dudurugin nito ang sugar at ang starch sa pagkain at magpoproduce ng acids. Ang acids na ito ang sisira sa enamel.
Karamihan sa ngipin ay nasisira hindi dahil sa pagkabulok kundi sa sakit sa gilagid. Ang regular na pagto-toothbrush at pagpo-floss ay nakatutulong para hindi mamaga ang gilagid.
Kapag dumugo ang ngipin habang nagto-toothbrush, nagkakaroon na ng gradual buildup ng plaque. Ang pagdurugo ng gilagid ay palatandaan din ng kakulangan sa Vitamin C. Kapag hindi naagapan ang gingivitis, mauuwi ito sa periodontitis.
Ipinapayo ko ang pagkain ng mga sariwang gulay at prutas para magkaroon ng malusog na mga ngipin.