^

PSN Opinyon

Kahirapan priority nina Villar

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

NAGNGANGAWA este mali nagpagawa pala ng Villar Foundation ng isang resource at live training facility ang Villar Foundation na lilikha ng mga kabuhayan at negosyo sa Philippines my Philippines  bilang bahagi ng dakilang adhikaing palayain sa kahirapan ang madlang pinoy.

Sinabi ni dating Las Piñas City Rep. Cynthia Villar, managing director ng foundation, sa mga kuwago ng ORA MISMO, top priority ng proyekto na magbigay ng komprehensibong kaalaman ang mga pamilyang pinoy sa pagne-negosyo.

Bida ni Cynthia, noong Sabado ang groundbreaking ng pasilidad na kikila­lanin bilang Social Institute for Poverty Alleviation and Governance o SIPAG Center.

Kuwento ni Senator Manny Villar, chairman ng Villar Foundation, sa mga kuwago ng ORA MISMO, sinasabi ng social enterprise experts na dapat maiwan ang mukha ng kahirapan sa museum. Sang-ayon ako dito and until that time comes, we will work towards helping ease Filipinos poverty because in our country, poverty is out there on the streets staring us in the face.

Gusto ni Villar, na magsisilbing tahanan ang Villar SIPAG Center para maibsan, mapababa o masugpo ang kahirapan. Sa pinagawang gusali nito magkakaroon ng reception hall, theater, exhibit hall, at Villar memorabilia hall.

Base sa report ng United Nations, aabot sa 900 million  sa mga mahihirap na indibidwal sa buong mundo na nabubuhay sa isang dolyar lamang sa araw-araw ang naninirahan sa Asya Pasipiko.

Mahigit sa 40 mil­lion madlang pinoy ang nabubuhay ng wala pa sa dalawang dolyar araw-araw.

Mas lalo pang lumaki ang bilang ng madlang pinoy na dumaranas ng kahirapan sa Philippines my Philippines sa nagdaang dalawang dekada.

Sabi ni Cynthia, ‘sa pangalan pa lamang nito, makikita na natin ang sipag at tiyaga ng madlang pinoy. Gagabayan natin sila, tuturuan, at tutulungan na makaahon sa kahirapan. Lalo na ang mga kababaihan at mga kababayan nating walang trabaho at kabuhayan.’

Itinatag ang Villlar Foundation noong 1995 at aktibong nagpatupad mula noon ng mga programang pang­kalikasan, pangkabuhayan, pagtulong sa mga OFWs, programang pangkalusugan at iba pang mga programa laban sa kahirapan.

Sabi nga, keep up the good work!

  DDGM Biyong Garing!

HULI man at magaling naihahabol din, iyong nga lang late. Hehehe!

Congratulation kay Most Worshipful  Juanito “Nitoy” P. Abelgas, Grand Master of the Free and Accepted Masons of the Philippines my Philippines, year 2011-2012.

Binabati ng mga kuwago ng ORA MISMO, sina newly appointed Atty. Biyong Garing, Deputy District Grand Master, Atty. Beda Epres, Engr. Omar Equiza at si PNP Sr. Inspector Eleuterio Logronio, bilang mga District Grand Lecturer for Masonic District NCR-E in Quezon City.

Ang NCR-E, ang isa sa pinakamalaking Masonic district sa Philippines my Philippines.

Sa appointment ng mga Very Worshipful na binanggit ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa itaas ay isang welcome development para sa Masonry.

Why?

Because - the newly appointed officers are known for their capability and dedications towards the fraternity.

Kaya ang masasabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, congrats Congressman Biyong Garing este mali Very Worshipful pala sa bago mong tungkulin.

ASYA PASIPIKO

BEDA EPRES

BIYONG GARING

CITY REP

CONGRESSMAN BIYONG GARING

PHILIPPINES

VERY WORSHIPFUL

VILLAR

VILLAR FOUNDATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with