^

PSN Opinyon

SICPA at ang PHL

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

MULING itutulak ng SICPA, isang Swiss firm sa gobierno ng Philippines my Philippines na huwag balewalain ang sinasabing hi-tech technology nila regarding sa ‘strip stamp system’ dahil billion of pesos ang kikitain ng pamahalaan dito.

Bida ng SICPA,  ang bansang Albania, ang pinakabagong nabola este mali napabilib pala nila sa ginamit nilang sistema kaya naman naging effective ito sa tax collection tulad ng mga nangyari sa bansang Brazil, Turkey at California sa pagsasawata sa tobacco smuggling at pagtitiyak na tama ang buwis na binabayaran ng mga kumpanyang gumagawa ng “sin products” tulad ng alak at sigarilyo.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

  Ang Albania isang lugar sa Europa, ay gumamit na rin ng ‘strip tease’ este mali stamp system pala sa monitoring ng mga yosi at alak matapos na bumoto ang kanilang lehislatura  ng 73-0 para ibasura  ang kautusang pinalabas ng Pangulo nilang si Bamir Topi na pinapatigil ang implementasyon ng ganitong sistema bilang  bahagi ng pagkolekta ng excise taxes sa mga sin product.

Ang sistema ng Sicpa Security Solutions SA ng Switzerland, na matagal nang napatanuyan sa ibang bansa na walang mintis sa pagmo-monitor ng produksyon at pagbenta ng yosi at alak, ay gagamitin ng Albania sa lahat ng produkto ng tabako, alak at beer, imported man o gawa sa kanila.

Ang strip stamp  ay matagal ng inaalok ng Sicpa sa gobierno ng Philippines my Philippines para makatulong sa paglikom ng mahigit P100 billion halaga ng buwis sa loob ng 7 years sa pamamagitan ng paggamit ng fool proof na sistemang ito sa atin.

Batas pumayag ang Aquino government puedeng tumaas ang pondo ng kaban ng bigas este bayan pala nang hindi nagpapataw ng bagong buwis sa pamamagitan ng paggamit ng strip stamp system ng Sicpa para mas mapagbuti ang pag-monitor ng produksyon ng yosi at iba pang tobacco products sa Philippines my Philippines.

Katulad ng World Health Organization  at ang mga nagtaguyod ng Global Adult Tobacco Survey, ay nirerekomenda ang paggamit ng strip stamp system na nilagyan ng mga sensor at stamp  sa lahat ng pakete ng yosi at iba pang gawa sa tabako para maging electronic na ang pagsubaybay sa paggawa at pagbenta ng  mga produktong ito.

Sabi nga, wala ng lokohan!

Ang mga gumagamit ng ganitong sipa este mali SICPA system, tulad ng California sa US of A, Brazil at Turkey,  ay nakakapagmalaki na ngayon ng mataas na koleksyon ng buwis at matagumpay na kampanya laban sa tobacco smuggling.

Ilan sa mga “anti-fraud” na  katangian ng superior na strip stamp technology ng sipa este SICPA pala,  ay ang paggamit ng hologram seal na ngayon ay isa ng popular na sistema para mapalagay ang loob ng mga consumer sa pagtitiyak na hindi peke ang kanilang mga binibili.

Ika nga, malalaman kung orig o epek!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang mataas na opisyal ng GMA administration noon ang nagbitiw sa kanyang puesto dahil pilit daw na pinapipirma ito para ituhog este itaguyod pala ang SiCPA sa Philippines my Philippines.

Bida ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi matanggap ng opisyal ang ipinagagawa sa kanya noon ng DOF na sumang-ayon sa kagustuhan na pirmahan niya ang SICPA deal.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mas pinili ng opisyal na magbitiw sa kanyang ‘juicy position’ kaysa pirmahan ang itinutulak na SiCPA deal.

‘Kung ganito ang usapan na kayang makalikom ng gobierno ni P. Noy ng hundreds of billion pesos within 7 years regarding sa sipa este mali SICPA deal anong problema bakit hindi pa ito aprobahan? tanong ng kuwagong mabubukulan dito.

‘Kaya palang tiktikan ng sipa este mali SICPA ang mga mandaraya na nagtutulak ng mga sin product para magbayad ng tamang buwis sa gobierno ng Philippines my Philippines’ sabi ng kuwagong spo-10 sa Crame.

‘Ano pa ang hinihintay nila?’

‘Teka ano ba talaga ang dahilan bakit nagbitiw sa tungkulin ang isang mataas na official ng pamahalaan na ayaw pumirma sa SICPA deal ?’

‘Kamote, iyan ang hanapin ninyo at itanong ninyo sa kanya!’

Abangan.

Gov’t at kaparian nagbanatan na!

SABI ni P. Noy kakasuhan niya ang mga kamote este mali ang mga sulsol sa madlang people na umi-eenganyo na huwag silang magbayad ng taxes oras na ipinasa ang RH bill.

Naku, patay kayo!

Napikon si P. Noy ng mabalitaan na may mga sulsultan na humihikayat sa madlang people na tablahin ang gobierno sa pamamagitan ng pagbabayad ng buwis nila.

Masiado na kasing napu-politika ang RH bill maraming kontra pelo kaya naman hati-hati rin sila.

Sabi nga, may gusto sa RH may ayaw!

Paano ngayon ito?

Sa Cebu ay nag-rally na ilang madlang pinoy todits kasama ang ilang catholic priets na kontra sa RH bill.

Sino kaya ang mananalo dito?

Ang gobierno ba o ang simbahan katolika?

Abangan ang makukulong este mali mananalo pala!

ABANGAN

ANG ALBANIA

ESTE

LSQUO

PHILIPPINES

SABI

SICPA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with