MAINGAY ang balita hinggil sa mga batang nawawala sa kasalukuyan. Ang kumakalat na kuwento, may isang van umano na gumagala at nangingidnap ng mga bata.
Balita na kung tutuusin ay tsismis lamang dahil wala namang mapatunayan at walang lumalantad na biktima.
Iba rin naman ang storyang natanggap ng BITAG mula sa isang ginang na lumapit sa aming tanggapan, araw ng aming serbisyo publiko.
Kinidnap daw ang kaniyang tatlong taong gulang na anak ng kanilang kapitbahay. Nagsimula daw ang lahat ng makipagkilala sa kanila ang noo’y kalilipat lamang na mga suspek.
Ayon sa ginang, kinuha daw ang loob nilang mag-asawa at naging malapit sila sa mga ito. Naging magkum-pare pa raw sila sa isang anak sa kapitbahay.
Wala daw anak ang mag-asawang nakilala, kaya’t hinihiram nito ang kaniyang anak na babae na tatlong taong gulang.
Inaalagaan, pinapakain, binibilihan ng kung anu-anong bagay. Tila itinuring daw nitong anak ang kaniyang anak.
Hanggang isang araw, ipinaalam ang bata sa kaniya na ipapasyal lamang. Subalit tatlong araw na ang lumipas, hindi na bumalik ang bata at ang kapitbahay.
Nang tawagan daw niya ang lalaking suspek, dito na nanghingi ng ransom ang kolokoy. Sa sobrang alala ay nagbigay daw siya ng pera, subalit hindi naman ibinalik ang kaniyang anak.
Makailang beses pa umano siyang hiningian ng pera ng suspek, at nitong huli halagang singkuwenta mil ang kaniyang ibinigay na ransom. Sa huli, hindi pa rin ibinabalik ang bata.
Sa sumbong ng ginang, naramdaman namin ang pag-aalala nito sa anak na gusto ng makita at makuha. Hanggang sa isagawa namin ang phonepatch sa suspek...
Abangan ang ikalawang bahagi...