^

PSN Opinyon

Ano na ang susunod?

K KA LANG? - Korina Sanchez -

KUNG sunud-sunod ang mga magandang balita na natanggap noong naka-raang linggo – beatification ni Pope John Paul II, kasal ni Prince William at Kate, pagkakapatay kay Bin Laden, pagbitiw ni Merceditas Gurierrez at pagkapanalo ni Manny Pacquiao – tila nabawi lahat ng saya nang aprubahan ng Sandiganba- yan ang plea bargaining ng gobyerno at ni Carlos Garcia. Sa desisyon na nilabas ng hukuman na nagsabing mahina talaga ang ebidensiya laban kay Garcia, dismaya na naman sa pamamaraan ng paghawak ng kasong ito ang mangya- yari. Ngayon pa lang napakaraming umaalma sa desisyon, at nagsabing hindi lang daw dapat si Gutierrez ang bumitiw sa tungkulin kundi lahat ng may kaugnayan sa kaso!

Hindi ako abogado, pero ang alam ko kapag higit sa P50-milyon na ang pinag-uusapan sa isang krimen, pandarambong na iyon. Sa kasunduan ni Garcia at ng gobyerno, o siguro mas tamang sabihin mga abogadong humawak ng kaso laban sa kanya, lumalabas na si Garcia ay inosente sa krimen ng pandarambong, at guilty lamang sa mas mababang krimen ng pagsuhol kung saan sapat na ang oras ng kanyang pagkakakulong. Ibabalik niya sa gobyerno ang P135.433 milyon sa gobyerno, at malaya na siya! Saan pala galing ang ganung halagang pera na ibabalik niya, na hindi niya makukuha sa suweldo niya sa loob ng 500 taon, kung hindi siya mandarambong? Mahina raw ang ebidensiya, ayon sa Sandiganbayan, na sigurado raw matatalo ang gobyerno. Siguro kung sila ang nakaupong magdedesisyon, matatalo talaga!

Ano na ang gagawin ng gobyerno sa kasong ito? Papayag na lang ba na maging malaya si Garcia at ang kriminal niyang pamilya? Ganun na lang ba? Lahat ng ahensiya, maliban sa Sandiganbayan at tanggapan ng Ombudsman na may mga taong malapit pa sa bumitiw na si Merceditas Gutierrez, ay dismayado sa pangyayaring ito. Malinaw na mandarambong si Garcia. Pero dahil sa kapalpakan ng mga abogado ng gobyerno, magiging malaya na siya. Ano na ang susunod na kilos para tunay na mabigyan ng hustisya ang mamamayang Pilipino? Lumalabas niyan, napakadaling magnakaw mula sa tao, at makakawala ka pa, handog ng tanggapan ng Ombudsman! Lahat na lang ng kriminal ng Pilipinas, napapalaya na! May korte pa bang pwedeng pumigil sa desisyong ito? Korte Suprema? Talaga? 

ANO

BIN LADEN

CARLOS GARCIA

GARCIA

GOBYERNO

KORTE SUPREMA

LAHAT

MERCEDITAS GURIERREZ

MERCEDITAS GUTIERREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with