^

PSN Opinyon

'May cirrhosis ang tatay ko'

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

Dr. Elicaño, ang tatay ko ay natuklasang may cirrhosis of the liver. Lasenggo po kasi ang aking ama. Kahit na pinagsasabihan na siya ng nanay ko, wala pa ring tigil. Nagkasakit nga siya ay nawalan ng trabaho. Ngayo’y mahabang gamutan ang pinapasan at apek­tado ang buo naming pamilya. Pero dahil ama, pilit naming ginagapang na maipagamot. Sa ganitong sakit, may pag-asa pa kayang gumaling? NONIE ng Caloocan City.

Kung hindi pa gaanong damage ang liver may pag-asa pang maka-rekober ang may cirrhosis. Ang unang dapat gawin para maka-rekober sa sakit ay ang agad na pag-iwas sa pag-inom ng alak. Nararapat kumain ng complex carbohydrates na kinabibilangan ng rice, patatas, wholegariun bread at pasta, gulay, sariwang prutas, isda, itlog. 

Ang mga may cirrhosis ay nararapat umiwas sa mga fatty foods. Ang karne at mga dairy products kagaya ng hard cheeses ay dapat na iwasan. Umiwas din sa mga pagkaing may mga spices katulad ng barbekyung pagkain. Ang mga ganitong pagkain ay may toxins.

Ang mga pasyenteng may advanced cirrhosis ay maaaring makaranas ng edema o ang tinatawag na dropsy. Dahil dito nararapat ding bawasan ng pasyente ang pagkonsumo sa salt at sodium.

Bukod sa pagkagumon sa alak, ang iba pang dahilan ng cirrhosis ay ang viral hepatitis, malnutrition, chronic inflammation at ang pagbabara ng ducts sa atay. 

BUKOD

CALOOCAN CITY

DAHIL

DR. ELICA

KAHIT

LASENGGO

NAGKASAKIT

NARARAPAT

NGAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with