^

PSN Opinyon

Asan, P-Noy

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

INILATHALA ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang kabuuang press releases ng National Press Club para sa paggunita ng Press Freedom Week.

Sabi nga, basahin!

MATINDING lungkot ang bumabalot sa Linggo ng Pamamahayag na may takot at kawalan ng katarungan.

Umaalab ang damdamin na sana si Pangulong Benigno Simeon “P-Noy” Aquino III ay lalong masigasig.

‘Sabi nga, TULDUKAN!

Tuldukan na ang pananakot at pangingitil ng buhay laban sa mga manunulat at mang-uulat o kung tawagin sa kabuuan ay “dyornalist.”

Ika nga, TANGGALIN!

Tanggalin na sa talaan ang Pilipinas bilang isa sa pinakahalang na kumunoy sa buong mundo para sa mga nagsisigasig na magpapaimbuyog ng Katotohanan sa Pamamahayag.

Kaya ba?

Si P-Noy lamang ang pinaka-may obligasyong sumagot.

Sabi nga, TAMA NA!

Tama na ang pitong manunulat at mang-uulat na pinaslang na walang awa mula nang si P-Noy ay sumumpa bilang pangulo ng bansa noong Hunyo 30, 2010.

Huwag nang sundan si Marlene Flores Somera . sa batok ito binaril dyan sa Maysilo, Malabon noong Marso 24, 2011, na siya namang eksaktong ika-anim na taon mula nang pinaslang ang isa pang Marlene, na si Marlene Esparat Garcia sa harap ng kanyang mga anak pinatay, doon sa Tacurong, Sultan Kudarat.

Tila bagang isang paksa o pakay na ang pag-uubos ng lahi ng mga maiingay alang sa katotohanang pangyayari saang sulok man ng bayan.

Marubdob ang paniniwala na hindi, datapwat ang pagkababahala ang maiwasan ay hindi.

P-Noy, daang matuwid daw ang tahak; datapwat ang tahak tila di tiyak.

Meron nga bang matuwid na landas? O baka naman na puwing na ang batas?

Takipsilim ay 525 beses nang nagbabadya ngayong Mayo 2, 2011 mula noong Nobyembre 23, 2009 nang ang malapot na pula ibinuhos sa lupa ng pagpaslang, tila bagang ginayak para sa 33 na mga manunulat at mang-uulat, doon sa bayan ni Ampatuan.

Nakapagtataka at iisang Ampatuan pa lang ang nababasahan ng sakdal, gayong klaro naman sa panuntunan ng korte na di dapat lalampas sa animnapung araw.

Sadya bang ginuhit ito ng tadhana, gayong mga akusadong walang impluwensya at walang pera ay di makalusot sa pagbabasa na “arraignment” kung tawagin, na kung wala ito di maa­aring tanggapin ang anumang katibayan gaano man ito kalakas?

Ngumingisi ang berdugo at utak sa pagpatay sa mahigit sandaang mga manunulat at mang-uulat sa hanggang sa huling araw ni Gloria Arroyo.

Maganda pa ba kaya ang sistema ng katarungan na tao na mismo ang huhusga, sa pamamaraan ng Grand Jury at Trial Jury?

Sinimulan ng Hapon noong Agosto 3, 2009 ang kanilang sistema ng hokum ng mamamayan dahil sa ang mga kasong krimen nila ay nililitis na kasing bagal ng sa Pilipinas.

Suliranin ang paano mauutas at malulutas ang mga pagpaslang noong araw dahil sa walang testigo dahil sa takot o anupaman.

Maganda kaya kung sa Grand Jury na nagbibilanggo sa mga saksi na ayaw lumantad?

Ang kabiguan sa paghahagilap ng katarungan at pagpapatuloy ng mga panunuligsa ng mga alagad ni Satanas ay kahiya-hiyang sa mundo.

Ito ang katibayan na walang takot sa pagpaslang ang mga nahalang dahil puri raw ay sinira o mga pinagkikitaa’y dahil sa pamamahayag ay pinagkait.

Ang kahangalang ito ay dulot ng nagsisidhing paniniwala na sila ang batas at salapi ang bahala sa butas.

Si Len Somera ay binaril sa likod ng leeg habang nagbabantay ng dyip patungo sa kanyang istasyong pinagtatrabahuan.

Si Len Esperat ay pinutukan sa harap ng mga anak habang naghahapunan sa loob ng kanilang tahanan.

Ang dalawang “Len” ay parehong matapang sa pagbatikos at anupaman.

Hindi pa rin matapos-tapos ang imbestigasyon sa kaso ni Len Somera.

Naibalik naman sa puwesto ang dalawang opisyal ng Kagawaran ng Pagsasaka na tinuro na utak sa pagpapatay kay Len Esperat.

Mas lumalala pa yata ang pagdinig at pagbagal ng paglilitis ng Ampatuan: Tanging si Ampatuan Jr. pa lamang ang nababasahan sa korte.

Totoo bang walang mahirap kung walang korap?

Tila ang Freedom of Information Bill, na magbigay sana ng maluwag na daan tungo sa tinatagong sikreto, ay wala na rin atang pag-asa?

May pag-asa pa ba ang tanggalin ang libelo bilang isang krimen?

Ito po ang ating Linggo ng Pamamahayag!

AMPATUAN

AMPATUAN JR.

FREEDOM OF INFORMATION BILL

GLORIA ARROYO

GRAND JURY

P-NOY

PAMAMAHAYAG

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with