^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Wakas ni Bin Laden

-

NAGWAKAS na ang masamang buhay ni Osama bin Laden at sana, katapusan na rin ng tero­rismo sa mundo. Wala na nga sanang sumunod pa sa kanyang mga yapak upang makapamuhay nang tahimik ang mamamayan sa buong mundo. Mula nang simulan ni Bin Laden ang pakikibaka noong 1998, nagulo na ang mundo. Mas lalo pang naging magulo nang halos gibain ng terorismo ang America noong Setyembre 11, 2001. Siya ang arkitekto sa pagwasak ng Twin Tower sa New York nang dalawang passenger airplane ang sabay na hinayjack at ibinangga sa dalawang gusali. Tatlong libo katao ang namatay sa pagwasak na iyon. Hindi halos makapaniwala ang mamamayan ng America sa bagsik ng terorismo ni Bin Laden. Sa isang interbyu, hinikayat ni Bin Laden ang mga kapwa panatiko na labanan ang America.

Sampung taon ang nakalipas mula nang ma­ganap ang 9-11 attack, napatay din si Bin Laden. Natunton ng US intelligenece ang pinagkukutaan niya sa Pakistan at napatay siya. Dalawang helicopter na may lulang 25 Navy Seals ang suma­lakay sa compound. Lumaban sina Bin Laden pero determinado ang mga Amerikano na wakasan na ang terorismong hangarin ni Bin Laden. Sabi ni US President Barack Obama, naihatid ng America ang katarungan sa mga nabiktima ni Bin Laden.

Malawak ang galamay ni Bin Laden. Pinaniniwalaang ang Al-Qaida Movement na kanyang itinatag ay nagbibigay ng tulong sa Abu Sayyaf. Ang Sayyaf ay nagsasagawa ng mga pambobomba hindi lamang sa Mindanao kundi pati na rin sa Metro Manila. Ang Sayyaf ang nagtanim ng bomba sa SuperFerry 14 na ikinamatay nang maraming pasahero. Ang Sayyaf din ang nagtanim ng bomba sa isang bus sa Makati noong Valentines Day. Sila rin ang bumomba sa isang restaurant sa Davao City na maraming namatay. Marami pang ka­samaang ginaw­a ang Sayyaf na walang ipinagkaiba sa gawain­ ni Bin Laden.

Sa pagkamatay ni Bin Laden, sana nga ay patay na rin ang terorismo. Wala na sanang maghahasik ng lagim na ang puntirya ay mga inosenteng tao. Wala na sanang Bin Laden na aahon sa hukay.

ABU SAYYAF

AL-QAIDA MOVEMENT

ANG SAYYAF

BIN

BIN LADEN

DAVAO CITY

LADEN

METRO MANILA

NAVY SEALS

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with