^

PSN Opinyon

Ang masamang balita

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

MASAMANG balita! Bukas Mayo 1 (Labor Day) ay walang taas na sahod na maasahan matapos na ihayag ni Labor sec. Rosalinda Baldoz. Ngunit nagpalabas naman ng pa-kunsuwelo ang Malacañang na may nakalaan silang 500 libong job opportunities sa mga naghahanap ng trabaho. Kaso nga lamang magtiyaga kayo sa pila at init ng sikat ng araw sa gaganaping job fair sa Luneta. Sa nagnanais na magkaroon ng trabaho, gumising kayo nang maaga at magtungo sa naturang lugar upang mapadali ang iyong pag-abot sa suwerteng inihanda ni President Noynoy.

Samantala, ikinasa naman ng National Capital Region Police Office ang siguridad sa Maynila. Ipinakalat ang may 1,500 pulis upang mapangalagaan ang katahimikan sa naturang lugar na pagdadausan ng mga kilos protesta. Ikinasa ni NCRPO chief Director Nicanor Bartolome ang Task Force “Manila Shied” matapos makasagap ng impormasyon na hahaluan umano ng mga makakaliwa ang pagtitipon-tipon ng mga welgista upang guluhin. Kaya kumilos si Manila Police District Director Chief Supt. Roberto Rongavilla at nilikha ang Task Group “West” upang bigyan ng proteksyon ang kapaligiran ng Malacañang. Inaasahan na bantay sa-rado ang Maynila sa Labor Day. Ngunit sa kabila ng paalala ng NCRPO at MPD na “No Permit No Rally’ matunog ang balitang gagawa ng eksena ang grupo ng Philippine Airlines Employees Association (PALEA) upang igiit ang kanilang kahilingan na P1.25 salary increase at Collective Bargaining Agreement (CBA) at retirement issue. 

Lumalabas kasi na dismayado itong grupo ng PALEA sa pamamalakad ni PNoy at Sec. Baldoz matapos na ilang beses na silang binubutata sa kanilang inihaing reklamo laban sa Flag Carrier ng bansa ang management ng Philippine Airline. Tiyak na umaatikabong rally ito kung totoo itong balitang aking nasagap dahil, ayon sa aking mga naka-usap, sobra na itong pagkatig ng Department of Labor and Employment (DoLE) sa PAL management kung kayat nais na nilang ibulalas sa madlang people sa kalsada ang kanilang hinaing.

Noong semana santa nga kasi humingi ng tulong ang grupo ng PALEA sa Simbahang Katoliko at nagsagawa sila ng crucifixion sa bakuran ng Redemptorist Church sa Baclaran, Parañaque City. Ngunit mukhang hindi dininig ang kanilang pagpinitensiya. Kayat wa epek lang kina P-Noy at Baldoz ang kanilang pagsakripisyo. Kung inyong natatandaan na noong unang araw ng Abril ay naipamalas din ng PALEA sa madlang people ang kanilang kamandag ng ma-delay ang flights ng halos 20 airlines sa Cen-tennial Terminal 1 at Ninoy Aquino International Airport ng magsagawa ng “Dry Run” protest. Naparalisa ang halos lahat ng kalye sa South sector matapos na magmartsa ang mga ito sa kahabaan ng MIA Road hanggang Ninoy Aquino Avenue, Peldira, Pasay City. Maraming kababayan at maging ang mga turista ang naglakad mula Roxas Bouleverd hanggang sa dalawang airport terminal dahil nagbara ang trapiko. Ngunit binalewala pa rin ito ng pamahalaan kaya bukas ay tiyak na ibubuhos na nila ang kanilang sama ng loob upang mapuwersa at magising ang administrasyon ni Pnoy na madinig ang kanilang karaingan. Kayat mga suki, ang payo ko sa inyo, pairalin ang katahimikan, iwasan ang pag-init ng ulo upang iwas-gulo.

vuukle comment

BALDOZ

BUKAS MAYO

COLLECTIVE BARGAINING AGREEMENT

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

DIRECTOR NICANOR BARTOLOME

KANILANG

LABOR DAY

NGUNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with