^

PSN Opinyon

'Bukas-Kotse sa Macapagal'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -

HINDI trabaho ng mga security guard ng fast food chain na bantayan ang sasakyan ng kanilang mga kostumer, eto ang malinaw na pahayag ng Highway Patrol Group o HPG.

Ang pahayag na ito ng HPG sa BITAG ay may kina­laman sa isang kaso ng Bukas-Kotse sa Macapagal, Avenue matapos lumapit sa amin ang biktima nito.

Inirereklamo ng biktima ang mga security guard ng fast food chain sa nasabing lugar matapos malimas ang lahat ng pinaghirapan ng kanyang anak na OFW na kadarating pa lamang.

Sa salaysay ng biktima, sakay siya ng isang van kasama ang kanyang labingpito pang kaanak ng sinundo niya ang anak sa airport.

Bago umuwi ng kanilang probinsiya sa Cavite, kumain sila sa fast food chain sa isang gas station sa Maca­pagal, Ave.

 Ang eksena, pagdating sa nasabing kainan, nagbabaan ang labingsiyam na sakay ng van upang kumain matapos nitong mag-park sa paligid ng establisimento.

Sa madaling salita, wala ni isang naiwan sa sasakyan, lahat pumasok sa fast food chain. Dito nagkaroon ng pagkakataon ang mga suspek ng Bukas-Kotse Gang dahil pagbalik nila sa sasakyan, limas na ang lahat ng laman nito.

Kabilang dito ang dalawang bagong laptop, halos dalawan­daang libong piso at iba pang pasalubong at bagahe na dala ng OFW mula sa dalawang taong pagta­trabaho nito sa abroad.

Kung sana’y nagbantay daw ng maigi ang mga security ng kainan, hindi sila dapat  nanakawan.

Tanong naman ng BITAG, sa labing-siyam na sakay ng van, wala man lamang bang nakaisip o nagkusang magpaiwan upang mabantayan ang mahahalagang gamit na nasa loob ng sasakyan?

Tahimik na nagkakamot ng ulo ang isinagot nito sa BITAG. Ang aral? Panoorin ngayong Sabado ng gabi, alas-9 sa IBC-13 sa BITAG. Hanapin ang mali, matuto sa babala ng otoridad sa kasong ito.

BUKAS-KOTSE

BUKAS-KOTSE GANG

CAVITE

DITO

HANAPIN

HIGHWAY PATROL GROUP

INIREREKLAMO

KABILANG

MACA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with