^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ngayon nagkukumahog sa drug syndicates

-

NAKAKATAWA ang Bureau of Immigration at National Bureau of Investigation, kung hindi pa nabitay sina Sally Ordinario-Villanueva, Beth Batain at Ramon Credo dahil sa drug trafficking, hindi pa sila maglulunsad ng pagsisiyasat laban sa mga dumadagsang West Africans sa bansa. At nagtatawa marahil ang drug syndicates sa pagkukumahog ng BI at NBI sapagkat huli na ang pagkilos. Marami nang Pinoy ang kanilang na-ging “drug mules” at karamihan ay nadakma at nakakulong sa iba’t ibang bansa. Nakalinya ang ilan para bitayin.

Ayon sa BI, mga West Africans ang sangkot sa drug syndicate. Ang mga bansang kabilang sa West Africa ay Nigeria, Tonga, Siera Leone at Ghana. Ayon sa BI, may mahigit na 2,000 Africans ang nasa bansa ngayon. Karamihan sa kanila ay dumating sa bansa noong nakaraang taon.

Kamakailan, tatlong Nigerians ang nahulihan ng illegal na droga. Sinasabing ang mga Nigerians ang humihikayat sa mga Pilipino para maging “drug mule” o tagabitbit ng droga patungong ibang bansa. Pinangangakuan nang malaking halaga ng pera para magbitbit ng droga particular ang heroine. Ayon sa report, ang Pilipinas ang gina­gawang transshipment ng droga galing sa ibang bansa, particular ang Brazil at Colombia. Dito dinadala ang droga dahil maluwag umano ang air at seaport dito. Madaling mailusot. Mula rito, dadalhin naman ang droga sa China, Macau at iba pang bansa sa Asia. Mga Pinoy nga ang taga-bitbit. Nang magbitbit ng heroine ang tatlong binitay, natiklo sila sa China.

Ngayon lang kumikilos ang BI at NBI para matiktikan ang mga “egoy” na narito sa bansa. Akala ba ng BI at NBI ay mga hunghang ang sindikato. Siyempre alam ng mga ito maghihigpit ang BI kaya magpapalamig muna sila. Sana, hindi muna binunyag ng BI at NBI na magkakaroon sila ng background check at sinorpresa na lang nila. Paano nila malalambat ang mga sindikatong madudulas?

AYON

BANSA

BETH BATAIN

DITO

MGA PINOY

RAMON CREDO

SIERA LEONE

WEST AFRICA

WEST AFRICANS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with