^

PSN Opinyon

West African drug syndicate

K KA LANG? - Korina Sanchez -

NAKAPANAYAM ni Noli de Castro ang isang pumasok sa sindikato ng drug tafficking, para malaman kung ano ang nangyari sa kanyang kapatid, at isiniwalat ang sistema at modus operandi ng West African drug syndicate na kasalukuyang may operasyon na sa Pili­pinas. Sa unang bahagi ng kanyang panayam, pinagtatrabaho muna siya sa Indonesia. Nung nakuha na siguro ang kanyang tiwala, pinadala siya sa Brazil, at doon na inaayos ang mga dadalhing droga. Nakatahi sa loob ng mga damit ang mga droga. Pinadala na siya sa Indonesia. Naging matagumpay ang kanyang biyahe at hindi siya nahuli. Nalaman na rin niya na nahuli ang kanyang kapatid sa China.

Isa ring matagumpay na nakapasok sa sindikato ang nagbigay ng kaparehong kuwento. Siya naman ay naging matagumpay sa pagpasok ng droga sa Pilipinas mula sa Brazil, sa pamamagitan ng paglalagay ng mga droga sa loob ng mga de latang karne. At magkano ang binabayad ng mga sindikato sa mga drug mule? Apat na libong dolyar. Katumbas nito ay higit P160,000, depende sa palit ng dolyar. Malaking halaga, aaminin ko. Pero kapag nahuli naman, at ang realidad na kasangkot mo na ang isang masamang sindikato, hindi sulit ang halagang iyan o kahit ano pang halaga! Hindi mo na maiisip ang perang iyan kapag minamaltrato ka na ng sindikato, o kaya’y nili-lethal injection na!

Ngayong may impormasyon na ang mga otoridad ukol sa pagkilos ng sindikato sa bansa, dapat mahuli na ang mga iyan. Gaano kahirap maghanap ng Negro sa Pilipinas? Kung may umaaligid na mga Negro sa bahay ng mga Credo at nakakatanggap na sila ng mga banta sa kanilang buhay, mahirap pa bang hulihin ang mga iyan? Hindi na dapat maluwag ang lahat ng ahensiya sa sindikatong ito. Nagugulat ako minsan sa mga naririnig ko na natatakot daw ang mga otoridad sa sindikato dahil sa mga koneksyon at tindi ng kanilang pamamaraan lumaban. Hindi na dapat naririnig ang ganyang pananalita sa administrasyong ito! Kung tunay na malinis na ang pamamalakad ng lahat ng ahensiya at tanggapan hinggil sa batas at kaayusan, dapat ang sindikato ang matakot! Abangan natin ang ikalawang bahagi ng panayam ni Noli de Castro para sa karagdagang kaalaman pa ukol sa sindikato!

ABANGAN

APAT

GAANO

ISA

KATUMBAS

NOLI

PILIPINAS

SINDIKATO

WEST AFRICAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with