BINABATI ko ang Pilipino Star NGAYON sa ika-25 anibersaryo.
* * *
Kaibigan, inipon ko ang 80 artikulo at ipinagsama-sama ito sa isang libro na may titulo na “Sakit Sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain.” Nasa librong ito ang mga artikulo na nailathala sa Pilipino Star NGAYON (PSN) at sa PM (Pang-Masa). Ang paunang salita ay isinulat ni Mr. Miguel G. Belmonte, ang Presidente at CEO ng PSN at The Philippine STAR.
May mga mahahalagang tips tungkol sa mga sumusunod:
Murang Check-up
Tamang Gamutan
Murang Gamutan
Tanong Sa Sex
Mga Sakit Mula Ulo Hanggang Paa
Tips Para Pahabain ang Buhay.
Kumain ng almusal araw-araw. Ang gulay, sardinas, kanin, gatas, itlog at prutas ay masustansyang almusal.
Kumain ng pagkaing may tomato sauce (ketsap at spaghetti sauce) at uminom ng green tea. Panlaban ito sa maraming kanser.
Kumain ng maberdeng gulay at mga prutas, tulad ng mansanas, saging at pakwan.
Huwag sosobrahan ang kahit anong pagkain. Huwag magpakabusog. Katamtaman lamang ang kainin.
Mag-asawa o magkaroon ng kasama sa buhay – Mas mahaba ang buhay ng mga may asawa kumpara sa mga nag-iisa.
Tumawa ng 15 minutos bawat araw. Laughter is the best medicine.
Magkaroon ng mabait na kaibigan. Makatutulong siya sa pagtanggal ng stress sa buhay.
Makipag-sex (sa iyong asawa o permanenteng partner) ng mas madalas. Kontrobersyal itong payo pero napatunayang may katotohanan. Ang pakikipag-sex ay isang uri ng ehersisyo at nakababawas din sa stress.
Umiwas sa bisyo at peligro.
Matulog ng 7-8 oras bawat araw.
Mag-ehersisyo.
Inumin lang ang tamang gamot. Itanong muna sa doktor bago uminom ng kahit anong gamot o supplement. Mas mainam na magtanong sa 2 doktor para makasiguro na tama ang iyong iniinom.
Umiwas sa araw, usok, alikabok at iba pang polusyon sa lansangan.
Mamuhay lamang ayon sa iyong kakayahan. Umiwas sa pagkabaon sa utang.
Huwag mag-retiro. Laging ituloy lang ang iyong trabaho.
Mababasa ang aking mga artikulo ng libre sa pamamagitan ng website —docwillieandliza.com.
Kung gusto ninyo ng kopya ng librong “Sakit Sa Puso, Diabetes, at Tamang Pagkain,” matatagpuan ito sa National Bookstore.