'Bully' (2)
BILANG isang magulang, masakit na ang inyong anak ay maging biktima ng pambu-bully ng walang kalaban-laban. Ganito ang nararamdaman ng inang lumapit sa BITAG.
Hindi sana kami manghihimasok sa kasong ito kung ginawa lamang ng principal ng St. James College ang tamang proseso sa pagresolba ng ganitong mga pangyayari sa kanilang mga estudyante.
Imbes na ipatawag ang magulang ng mga estudyanteng nam-bully upang iharap sa magulang ng estudyanteng biktima, ang mga bata ang kanya raw inimbestigahan kung ano ang partisipasyon nito sa nasabing insidente.
Hindi yata nalalaman ni Principal Remedios Bantigue ng St. James College na menor-de-edad ang kaniyang iniimbestigahan at hindi puwedeng gawin ang imbestigasyon kung hindi kaharap ang mga magulang nito.
Pangalawa, Patapos na ang buwan ng Pebrero ng lumapit sa amin ang inang nagrereklamo. Wala pa ring ginawang aksiyon si principal, kaya naman nang iakyat ng nagrereklamo ang kaso sa barangay, dedma pa rin si Principal Bantigue.
Sa umpisa pa lamang, minarapat ng BITAG na kunin ang panig ng St. James College. Personal kong tinawagan sa cellphone ang principal upang linawin ang reklamo ng ina ng kanilang estudyante.
Sa unang tawag, nang magpakilala akong si Ben Tulfo sa BITAG, agad akong binabaan ng kaniyang cell phone. Hanggang sa naging out of coverage area na ang number ng kolokay.
Lumipas ang ilang araw, wala kaming natanggap ni ha ni ho sa principal gayung nakatimbre na sa kaniya ang aking number. Sa BITAG Live, isinagawa namin ang ikalawang tawag subalit nasa meeting naman daw si Principal.
Lumipas muli ang isang linggo, wala pa ring natatanggap na paramdam ang aming tanggapan mula sa St. James College. Kaya’t iniakyat na namin ang kaso sa Department of Education.
Ang siste, palpakis at inutil ang kinalabasan nang makausap namin si Assistant Secretary na Atty pa na si Tonisito Umali...
Abangan ang ikatlong bahagi....
- Latest
- Trending