^

PSN Opinyon

Dalawang Panginoon?

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva -

NGAYON ang ikawalong linggo sa karaniwang panahon at paalaala sa atin ng mga pagbasa na kailanman ay hindi nakalilimot ang Diyos sa bawat sandali ng ating buhay. Kung mayroon mang inang lumilimot sa kanyang bunso, ang Panginoon ay nasa atin tuwina.

“Ang tanging tagapagligtas ay ang Diyos kong kalasag”, ayon kay David. Sa Diyos lamang tayo umasa sapagka’t ang tanging kaligtasan ay nagbubuhat sa Kanya. Lagi tayong magtiwala sa Panginoon, sa Kanya natin ilagak ang ating pasaning dinaranas, Siya ang lulunas! Tayo ay katiwala ng Diyos, maging tapat tayo sa Kanya at tayo’y tatanggap ng biyayang ipagkakaloob Niya.

Sinasabi sa atin ni Hesus na walang makapagliling-kod sa dalawang Panginoon. Napakasakit at kahabag-habag ang nagaganap sa kanya. Ang paalaalang ito ni Hesus ay nagaganap na sa ating kapaligiran. At ang pinaka-masakit ay hindi natin matanggap ang katotohanan sa aral ng Panginoon.

Ang dalawang pag-ibig ay kailanman ay hindi puwedeng pag-samahin ng isang tao. Ito man ay paglilingkod sa Diyos at sa pamilya, salapi at materyal na bagay, maging sa init ng laman at sa dalawang pagkukunwari ay walang matatamong pagpapala mula sa Panginoong maylikha ng lahat ng bagay. Hindi puwedeng pagsama-hin ang pag-ibig ng laman sa ipinakilala niyang tiya at pamangkin, inibig siya nang dalawa dahil sa salapi lamang at ang pinaka-masakit ay salapi ng kanyang gawaing kabanalan. Yumaman siya at lumigaya. Dumating ang panahon na pawang kaguluhan ang naganap sa kanyang buhay. Ngayon siya’y nag-iisa na lamang at naubos na ang kanyang kayamanang ipinagkatiwala ng Maykapal.

Hindi tayo makapaglilingkod ng sabay sa Diyos at sa kayamanan. Huwag tayong mabagabag sa lahat ng bagay. Masdan natin ang mga ibon sa himpapawid, sila’y pinakakain ng Panginoon. Huwag tayong magpakabalisa.

Ang lahat ng nababalisa sa maraming bagay ay walang pananalig sa Diyos. Sapat na sa bawa’t araw ang ating mga suliranin. Huwag nating kalimutan ang palagi kong sinasabi sa aking pakikibahagi sa Salita ng Diyos na “pagsikat ng haring araw sa umaga ay laganap ang biyaya ng diyos!”

Isaias 49:14-15; Salmo 61; 1Cor 4:1-5 at Mt 6:24-34

DIYOS

DUMATING

HESUS

HUWAG

ISAIAS

KANYA

LAGI

PANGINOON

SA DIYOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with