^

PSN Opinyon

Mga bagong luma!

DURIAN SHAKE -

MANADO, Indonesia — Nilabas ng ating Philippine Consul General Noel Servigon na nakabase dito sa Manado, North Sulawesi ang kanyang hinaing na may mga bago na ngang mga players na gumagalaw sa pagpadala ng mga mangingisda natin sa foreign territorial waters gaya ng Indonesia.

Sinabi ni Servigon na may average na isang dosenang mangingisdang Pinoy ang naaaresto dito sa East Indonesia kada dalawang buwan dahil nga sa illegal na pagpasok nila sa Indonesian waters.

Matagal na ang problemang ito ng ating mga mangingisda dahil nga sa kawalan ng isda sa ating sariling karagatan at mayaman ang Indonesia sa mga marine products gaya ng tuna.

Ilang daang mangingisda na natin ang nahuli ng mga Indonesian naval forces sa mga nagdaan na taon. At karamihan din sa kanila ay pabalik-balik na lang na nahuhuli at pinapauwi rin naman sila.

Naging patakaran na rin sa Indonesia ngayon na ang kapitan lang ng fishing boat na nahuhuli ang ikukulong. At sa ngayon ay may labing-apat tayong mga kapitan ng barko na nakakulong sa iba’t ibang bahagi ng East Indonesia bilang kanilang sentensiya.

At makikita rin ang mga barko ng nahuhuling mga mangingisda na nabubulok na lang sa pantalan dito kabilang bayan ng Bitung. Talaga kasing kinukumpiska ng mga Indonesians ang mga barko at hindi na ito pinapabalik pa ng Pilipinas.

Ang hinaing ni Servigon ay ang lumalabas ngayon na walang mukha at walang pangalan ang financiers ang mga mangingisda na nahuhuli sa Indonesia.

Naging pattern na raw na ang mga pangalan ng mga financiers ay mga fictitious ngunit iisa lang ang address—sa Barangay Kalumpang, General Santos City na kung saan nanggagaling ang ating mga mangingisda na nahuhuli sa Indonesia.

Ayon kay Servigon ang mga malalaking financiers ay pumasok na raw sa legal na transaction kasama ang mga Indonesian para sa kung anong fishing joint venture nila.

Ngunit sa tingin ko ang mga bagong financiers na ito ay ang mga luma pa ring mga players na dati nang nagpapadala ng mga mangingisda na illegal na pumasok sa Indonesia. Ito yong mga financiers na dati ay mga illegal na nag-ooperate sa Indonesia at ngayon ay mga legal na raw.

Kasi ganito yon, sino ba ang may kakayahang magpapagawa ng mga barkong ginagamit sa pagpalaot ng mga mangingisda? Di hamak na ilang milyon din ang halaga ng isang barko. At hahayaan lang ba nilang ipapahuli at kumpiskahin ng mga Indonesian ang mga barko na ganun ganun lang kung small-time lang itong mga bagong players kuno sa fishing industry?

Malaking negosyo ang fishing industry sa timog Mindanao. Pinapadala ang mga huling tuna bilang pa­ngunahing export product natin sa Japan. Kaya gagawin at gagawin ng mga financiers na ito kahit sa anong paraan mapa-legal o ilegal man na makakakuha ng isda sa mga kapitbahay nating bansa gaya ng Indonesia.

Ngunit sana naman sa pagnanais ng malaking kita, alalahanin din ng mga financiers na ito ang kapakanan ng ating mga mangingisda na buhay at pawis ang puhunan makahuli lang ng marami ngunit salat naman sila sa benepisyo sa kanilang ginagawang serbisyo para sa kanilang mga among pansamantalang mga walang mukha at wala ring pangalan.

BARANGAY KALUMPANG

EAST INDONESIA

FINANCIERS

GENERAL SANTOS CITY

INDONESIA

LANG

MANGINGISDA

SERVIGON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with