^

PSN Opinyon

Manyakis na amo, hulog sa BITAG

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

HABULAN at brasuhan, eto ang mga eksenang naga- nap kahapon ng hapon sa isang condominium sa Binondo, Manila.

Ito’y matapos isagawa ng Manila Police District-Womens Desk, DSWD-NCR at BITAG ang rescue sa mga kasambahay ng mag-asawang Chinese citizen sa nasabing lugar.

Ang sumbong, panghihipo sa maseselang parte ng kanilang katawan o pangmomolestiya ng kanilang Tsinong amo na lalaki.

Lumapit sa BITAG ang kapatid ng isa sa mga kasambahay. Umiiyak itong humingi ng tulong na ma-rescue ang kanyang kapatid na babaeng 19-anyos at dalawa nitong kasamahan na 16 at 26-anyos.

Hindi na raw nila matagalan ang panghihipo sa kanilang dibdib at ari ng kanilang among lalaki. Nagpapaalam daw silang umalis subalit ayaw silang payagan ng among babae.

Nagawang makausap ng BITAG ang biktimang 19-anyos at dito nakumpirma namin ang paghingi nila ng tulong. Nagbabalak na sila umanong tumakas sa Chinese New Year kung saan nasa labas ang kanilang amo.

Subalit natakot silang gawin ang pagtakas dahil baka gawan umano sila ng kaso o pagbintangang nag­nakaw ng mga amo. Kaya naisagawa ang rescue operation.

Nagkaroon ng tensiyon sa araw ng operasyon, idagdag pa ang sitwasyong hindi marunong magsalita ng Ingles at Tagalog man ang mga amo. 

Mabuti na lamang at inasistehan ang   aming grupo ng bara­ngay kagawad sa Binondo. Ito rin ang nagsil­bing interpreter upang mag­ kaintindihan ang mga pulis at ang mag-asawang Tsino.

Sa umpisa, nakamasid lamang ang among lalaki sa may pintuan, walang kibo at itinangging siya ang may-ari ng nasabing unit at asawa ng babaeng amo. Subalit hindi siya nakapuslit, hulog sa BITAG nang maituro ng kanyang kasambahay.

Ang buong pangyayari, abangan bukas ng gabi sa BITAG.

BINONDO

CHINESE NEW YEAR

KAYA

LUMAPIT

MANILA POLICE DISTRICT-WOMENS DESK

NAGAWANG

NAGBABALAK

NAGKAROON

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with