^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Suportahan, kampanya laban sa pagmimina

-

NAPAKAGANDA ng sinabi ni Mika, anak na babae ng pinaslang na environmentalist na si Dr. Gerardo Ortega. “Ang kailangan ng mga tao ay pagkain, tubig at hangin, hindi ginto, nickel, copper o iba pang mineral na nakukuha sa pagmimina.” Sinabi ito ni Mika, ilang araw makaraang paslangin ang kanyang ama na isa ring radio broadcaster noong Enero 24, 2011. Nasa isang tindahan sa Puerto Princesa si Doc Gerry at may binibili ng pag­ babarilin. Nahuli rin naman ang bumaril sa kanya subalit ang “utak” ay hindi pa.

Ang pagbatikos sa pagmimina sa Palawan ang sinasabing dahilan kung bakit pinatay si Doc Gerry. Sa kanyang local radio program, madalas na upakan ni Doc Gerry ang mga nagpapasimuno ng mining activities sa maraming lugar sa Palawan. Ang Palawan ang itinuturing na may pinakamagandang yaman ng kalikasan at nag-iisa na umano ito sa Pilipinas. Kaya naman maraming Palaweño ang naghuhumiyaw sa galit makaraang patayin ang environmentalist.

Subalit hindi kayang patahimikin ng bala ang sinimulang pakikibaka ni Doc Gerry sapagkat sa kasalukuyan, isang milyong signature campaign ang inilunsad para lubusang ipatigil ang pagmimina sa Palawan. Kailangan ng suporta ang kampanya para lubusang mawala ang mga itinuturing na salot sa Palawan.

Kapag nagtagumpay ang kampanya sa Palawan, dito na magsisimula para rin naman maitigil na rin ang mga pagmimina pa sa ibang lugar sa bansa. May pagmimina rin umanong isinasagawa sa Mindoro provinces at marahil dapat na ring simulan ang kampanya para matigil iyon. Isang patunay na sumisira sa kalikasan at pinagkukunan ng ikabubuhay ang pagmimina ay ang nangyari sa Marinduque noong dekada 80. Sinira ng Marcopper mining ang Boac River at nagkasakit sa balat ang mga tao roon.

Pakaisipin ang sinabi ni Mika Ortega na hindi ginto, nickel, copper at iba pang mineral ang kailangan ng tao kundi pagkain, tubig at hangin. Dapat magkaisa ang lahat na tutulan ang pagmimina sa maraming lugar sa bansa.

ANG PALAWAN

BOAC RIVER

DAPAT

DOC GERRY

DR. GERARDO ORTEGA

MIKA

MIKA ORTEGA

PAGMIMINA

PALAWAN

PUERTO PRINCESA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with