^

PSN Opinyon

People Power parang sa Pilipinas sa Egypt

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

Malaking balita ang bumandera sa mga newspapers at news coverages ng lahat ng mga TV stations dito nitong mga nakaraang araw sa Amerika tungkol sa kaguluhang naganap sa Egypt. Libu-libong Egyptians ang nasa lansa­ngan na nagpoprotesta na matanggal sa kanyang posisyon si President Hosni Mubarak. Ang presidente naman ay nagpakita ng katigasan ng kalooban at inutasan ang military na harapin ang mga protesters sa pamamagitan ng halos mapuno ng mga tangke at mga sasakyang militar na napapaligiran ng mga sundalong todo-armado.

Kaming mga Pinoy na narito sa Amerika na nakapanood ng news coverages ng pagpoprotesta ng mga Egyptian ay nagpaalaala ng mga nangyaring ito sa Egypt sa mga naganap rin na katulad nito sa Pilipinas partikular na sa Metro Manila at mga pangunahing siyudad sa ating bansa. Hanggang sa sinusulat ko ito ay patuloy pa rin na isinisigaw ng mga nagpoprotesta na umalis na sa pagka-presidente si Mubarak nang dahil diumano sa mga kasalanan nito ng pagmamalabis laban sa bayan at sa kanyang mga kababayan.

Ayon sa balita mayroong 20,000 Pinoy ang nasa Egypt na ang karamihan ay mga domestic workers. Nasa ligtas na katayuan naman daw ang mga ito subalit sinisiguro ng ating Foreign Affairs Dept. na pauwiin na ang mga ito kung magiging mainit na ang labanan. Sa ngayon daw ay may napili nang lugar sa Egypt na mapupuntahan ang mga Pinoy na hindi pa magulo habang nandoon pa sila nang dahil sa hindi pa naman daw delikado ang kalagayan ng ating mga kababayan. Subalit, ayon sa mga political analysts, malamang daw na maging bayolente ang labanan sapagkat parehong matigas ang dalawang panig.

Sa nangyayaring ito, pumasok sa usapan ng mga Pinoy dito sa Amerika na nawa ay hindi na muling mangyari sa Pilipinas ang ganito sapagkat talagang hindi na makakaahon pa ang kalagayan ng mga Pinoy kapag naulit na naman ang kaguluhang katulad nito. Hanggang ngayon ay hindi pa nga tayo makaugaga nang dahil sa sunud-sunod na people power na naganap sa Pilipinas. Nakakatawa nga sapagkat tinutukso ang mga Pil-Ams dito ng mga kano na ang nangyayari daw sa Egypt ay natutuhan lamang sa people power ng mga Pinoy.

Pwera biro, sana nga ay magpaala-ala sa mga namumuno ng ating pamahalaan na hindi na magmalabis sa kanilang mga posisyon sapagkat nasisiguro kong susuportahin sila ng mamamayan upang makamtan ang kanilang adhikain para sa ikabubuti ng Pilipinas. Alam nating lahat na si President Noynoy Aquino ay maganda ang hangarin para sa ating bayan. Harinawang lahat ng mapipili niyang makasamang maglingkod sa bayan ay katulad rin niyang may malinis ang budhi at hindi halang ang kaluluwa na ipagkakanulo ang makabubuti sa bayan para lamang sa sariling interes.

vuukle comment

AMERIKA

FOREIGN AFFAIRS DEPT

HANGGANG

METRO MANILA

PILIPINAS

PINOY

PRESIDENT HOSNI MUBARAK

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with