^

PSN Opinyon

Tension attention

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

ANG isang malaking kaibahan ng administrasyong Aquino sa panahon ni Gng. Arroyo ay ang relasyong namamagitan sa malalaking kagawaran ng Pamahalaan. Kung tambay ka ng Malacañang, siguradong masisilayan ang inis ng Palasyo sa pagmamatigas ng Mataas na Hukuman laban sa mga hakbanging inaakalang aani ng suporta. Kulang na lang ay tawagin silang LANGAW ni P-Noy gaya ng lambing ni Cory kay Doy. Sa Senado naman ay hindi tumitigil ang ilan sa pagiging kritikal sa mga ikinikilos o sa kakulangan ng pagkilos ng Palasyo. Ani Senadora Santiago, weno kung ayaw ng Ehekutibo sa Cha-cha? Basta ang Lehislatura may sariling paninindigan.

May mga taong asiwa sa ganitong bangayan. Tulad din ng lipunang sinasalamin, ang ilan sa atin, ayaw sa away. Karaniwan sa ganitong sitwasyon, pagbibigyan na lang ang isang panig. At kung sino ang mas pinagkakatiwalaan ng tao, sa kanya kadalasan pumapanig. Hindi komo halal ay kuha ang simpatiya ng tao. Alalahanin nang nagkasalpukan ang Kongreso at Supreme Court sa pag-impeach kay Chief Justice Davide. Kahit kinatawan ng tao ang mga kongresista, malinaw na kampi si Juan de la Cruz sa appointed lang na Mahistrado.

Huwag ikabahala ang nagmimistulang hidwaan ng mga kagawaran. Hindi ito signos ng pagbaklas at pagguho ng mga institusyon ng pamahalaan. Bagkus ay nagsisilbi itong tanda na malusog ang ating mga institusyon matapos ito mabugok nitong huling sampung taon. Sa ilalim ni P-Noy ay wala na tayong naririnig na tuta ng Palasyo ang Supreme Court; wala na ring hindi makatwirang paggamit ng Executive Privilege ng mga gabinete upang matakasan ang obligasyong magtapat sa Kongreso. Bawat isa’y malayang gampanan ang papel at pangatawanan ang kapangyarihan nito sa ilalim ng Saligang Batas.

Ang pagbahagi ng kapangyarihan sa Executive, Le­gislative at Judiciary ay sinadya bilang paniguro na hindi na maulit ang mga sitwasyon kung saan ang puwersa ng estado ay mapasakamay ng iisang tao o iisang kagawaran. Sa sapilitang pakikiisa ng mga kagawaran upang mapakilos ang makinarya ng gobyerno, hindi maiwasan ang maya’t mayang away. Gayunpaman, hindi rin maikaila na ang tensyong ito ang nagpapalakas at nagpapatibay sa pag-unawa natin ng Saligang Batas, nagsisiguro na lagi tayong “standing at attention” at nagbibigay buhay sa ating demokrasya.

ANI SENADORA SANTIAGO

CHIEF JUSTICE DAVIDE

EXECUTIVE PRIVILEGE

KONGRESO

P-NOY

PALASYO

SALIGANG BATAS

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with