^

PSN Opinyon

Buking si 'ipe' sa basura contract

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

MAY P63 million halaga pala ng kontrata ng garbage dyan sa Marikina City kaya ang isang kamoteng hauler construction dito ay nagpapakamatay para mapasakamay nito ang contract money.

Sabi nga, umiiral ang pagka-ganid!

Dahil sa tindi ng kontrata ng basura sa munisipyo sinisira ng kamoteng hauler ang mga taga-cityhall para mapunta sa bulsa nito ang malaking pondo na inilaan ng nasabing siudad para pakinabangan ng maayos ng  madlang people sa Marikina City.

Ika nga, sinira at mali-maling information ang ibinalita para paututin este mali pabahuin pala at binigyan ng malaking halaga ang ilang tirador nito para sirain ang reputation ng mga taga - Marikina City Hall.

Naku, Mayor, ano ba ito?

Ang masama kasi na-over estimate ng kamoteng hauler si Mayor de Guzman kaya naman inatasan ng huli ang PBAC para sumali lahat ang gustong lumaban sa subasta upang makuha ang tumataginting na salapi.

Sabi nga, basta qualified! Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sinisid ng kamoteng kontraktor ang mga lagapot na contact nito at binayaran ng mala­king halaga para lamang sirain at batikusin ang bidding sa Marikina City Hall.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sinira nila ang kredibilidad ng mga taga-city hall kaya gumamit pa ang kamoteng contractor ng ilang environmentalist para batikusin ang nasabing bidding.

Bakit?

Ipinalalabas ng mga kamote na hindi tama ang environmental compliance na ibinigay ng DENR at ginagamit pa ng mga mapanghing grupo ang mga taga-Dona Petra para kaladkarin sila sa isyung nabanggit.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi kayang tumanggap ng pagkatalo ang sinasabing kamoteng ‘ipe’ hauling kaya naman gagawa at gagawa ito ng paraan para mabalam ang bidding ng basura sa Marikina City.

Abangan.

Si Buboy anak ni Ludin ang bangka sa Baguio

NOONG bago mag-New Year 2010 pinatakbo ng grupo ni baboy este mali Buboy ‘bokal ling-ling’ anak ni Luding ang jueteng operations sa Baguio para malaman ng grupo ng mga kamote kung may huhuli o wala.

Ngayon ay bumubulusok ng todo ang operasyon ng 137 hindi lang sa Baguio kundi maging sa La Union at Ilocos Norte kaya naman nagtatatalon sa lundag si Buboy ‘bokal ling-ling’ ang anak ni Luding.

Isang matinding sugarol sa casino si baboy este mali Buboy ‘bokal ling-ling’ anak ni Luding kapag nasa bumaba ito sa Metro-Manila casinos.

Ang ibig sabihin lahat ng mga financer at tirador sa casinos ay kilala si Buboy ‘bokal ling-ling’ ang anak ni Luding.

Ano kaya ang masasabi dito ni SILG Jesse Robredo mukhang ayaw na niyang makialam sa jueteng dahil nabibiyayaan kaya siya nito?

Si CPNP Raul Bacalzo, kaya mukhang hindi kumikibo tungkol sa operasyon ni Buboy ‘bokal ling-ling’ ang anak ni Luding.

Abangan.

ABANGAN

BUBOY

DONA PETRA

KAYA

LING

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY HALL

PARA

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with