^

PSN Opinyon

Wala sa timing

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

MUKHANG wrong timing na naman ang direktiba ni PNP chief Dir. Gen. Raul Bacalzo na ipatapon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao ang may 75 pulis na may ranggong Chief Inspector. Ngayon pa lang ramdam na sa Metro Manila ang panlalamya ng ikinikilos ng mga naturang opisyales.

Ayon kasi sa mga kausap ko sa Manila Police District (MPD) mukhang hindi akma ang naturang kautusan dahil tiyak na lalong magkakahitot-hitot ang pamamalakad ng PNP kung ipagpapatuloy ito ni Bacalzo. Sa mga bagong promote siguro pupuwede pero kung sa mga Chief Ins­pector na nakapuwesto at walang bulilyaso ay masasabi kong dapat munang pag-aralang mabuti dahil maaaring makasisira ito sa operation . 

Hindi naman kayang tanggihan ng mga police major kung gugustuhin ni Bacalzo subalit tiyak na mapapaba-yaan nila ang mga hawak na kaso katulad na lamang sa hindi pagsipot sa mga korte. Tiyak na happy-happy together na naman ang mga pusakal oras na maipatapon ang mga opisyales ng kapulisan. At ang masakit pa, magsisilbing mga inutil ang mga ito dahil hindi nila alam ang mga lingguwahe at pasikut-sikot ng Mindanao. Kaya sa ngayon pa lang ay nagbabalak na ang ilan na mag-early retirement na lamang kaysa maipatapon sa Mindanao ng dahil lamang sa pagkakasala ng ilang opisyal. General Bacalzo, pakirebisa muna itong kautusan mo bago lalong lumala ang sitwasyon sa kapulisan.

Pabor ako sa pagre-retraining sa lahat ng pulis upang maging responsible sila sa kanilang serbisyo dahil kaliwa’t kanan na ang dungis. Ngunit mangilan-ngilan lamang sila sa PNP na dapat parusahan, huwag naman sanang idamay ang mga opisyal na naglilingkod ng tapat sa sambayanan.

Sa aking obserbasyon, mukhang naging masalimuot lalo ang takbo ng kapulisan sa ngayon matapos lumabas ang kautusan sa 75 opisyal sa lalawigan ng Mindanao, mantakin n’yo mga suki nitong nagdaang linggo aba’y dalawang buy-in-sale personalities ang dinukot sa tinaguriang Carnapping Capital of the Philippines, ang Quezon City kasama ang mga sasakyang ibinibenta. Kabilang na rito ang anak ni Atty. Oliver Lozano na si Emerson Lozano at driver na si Ernani Sensil na sakay ng ibinibentang KIA Carnival. Unang natagpuan ang bangkay ni Sensil sa gilid ng highway sa Bgy. Matayum-tayum, Lapaz, Tarlac na may tama ng bala at sunog na sunog. Samantalang si Emerson Lozano naman ay natagpuan di-kalayuan sa highway sa Porac, Pampanga na sunog na sunog din ang katawan.

Nakilala lamang si Emerson ng kanyang kaanak sa pamamagitan ng dental record. Habang ang isa pang biktima na si Benson Evangelista ay kasalukuyan pang pinaghahanap ng kanyang mga kamag-anak pati ang ibinibenta nitong Land Cruiser. Ang masakit, blanko ang PNP sa krimen kaya naalarma ang sambayanan sa naturang pangangarnap at pagpatay. Indikasyon kaya ito na nagpapabaya na ang mga pulis sa kanilang serbisyo dahil sa napipintong pagtapon ng mga opisyal sa Mindanao? General Bacalzo, kumilos ka nang simbilis ng kidlat nang mahadlangan ang mga karumal-dumal na krimen. Rebisahin mo ang pagtatapon sa mga Chief Inspector at baka may maitutulong sila sa iyong liderato. Abangan!

AUTONOMOUS REGION

BACALZO

BENSON EVANGELISTA

CARNAPPING CAPITAL OF THE PHILIPPINES

CHIEF INS

CHIEF INSPECTOR

EMERSON LOZANO

GENERAL BACALZO

MINDANAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with