^

PSN Opinyon

"Babaeng Torture Cop(?)"

- Tony Calvento -

(Unang Bahagi)

NAGLABASAN ang mga balita tungkol sa mga pulis na abusado at mapagsamantala. Umaaksyon naman ang pamunuan ng Philippine National Police para maaksyunan ito.

Maganda rin isama sa imbestigasyon ang reklamo ng isang 18-anyos na binatilyong lalake na aming tampok ngayon kung ito nga ang may basehan.

“NILAGYAN ng mga bala ng baril ang pagitan ng kanyang mga daliri sabay inipit ang mga ito. Pinalabas ang kanyang kanang kamay sa rehas at pinalo ng patpat ng maraming beses. Hindi pa umano nakuntentong itong babaeng pulis, pinasabit na man niya sa selda na parang unggoy ang binata”.

Ito umano ang naranasan ng 18 anyos na binata ng siya’t makulong sa presinto ng General Mariano Alvarez (GMA) Cavite sa kamay umano ng isang police investigator na si PO2 Daisy Diones.

NUNG nakaraang taon tinampok ko sa aking kolum ang tungkol sa umano’y pangungursada ng Sangguniang Kabataan (SK) Chairman ng Poblacion 2 na si Krystal Ramos at ni PO2 Diones kay Mark Lito Garcia o “Mark”.

Nagpatong-patong ang kasong kinasangkutan nitong si Mark na selos umano ang pinag-ugatan. Ang girl friend ni Mark na itatago namin sa pangalang “Melay” dahil menor de edad, kursunado umano nitong SK kaya’t ng mag-away ang magkarelasyon si Mark naman umano ang kinursunada nito.     

Na-inquest itong si Mark at ayon sa kanila na kahit iniurong na ang demanda laban sa kanya ng kanyang girl-friend at nitong SK ayaw pa rin tigilan sila nitong si P02 Diones. Pati Barangay Kapitan nakiusap subalit sabi ni P02 Diones sa korte na lang mag-usap.

Pinaliwanag ko din naman sa ina ni Mark na ang kaso ay wala na sa ‘level ng police’ o sa Prosecutor dahil na-inquest na ito. Kailangan magpiyansa kung gustong makalabas ng pansamantala at kung meron ngang pag-uurong ng kaso sa pamamagitan ng isang ‘Affidavit of Desistance’.

Kailangan sundin ang tamang proseso na iupo ang mga taong nag-uurong na ng reklamo laban kay Mark.          

Naglagak ng piyansa ang kanyang ina para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Nung ika-22 ng Disyembre 2010, bumalik sa aming tanggapan si Adelaida sa pagkakataong ito kasama na niya si Mark. Nirereklamo naman niya si PO2 Diones na umano’y tumorture sa kanya habang siya’y nasa loob ng selda.

Personal naming kinausap si Mark tungkol dito. Idinetalye naman niya ang lahat sa amin. Ang mga susunod na pahayag ay base sa isinalaysay niya sa amin.

Ika-11 ng Oktubre hapon ng sabihan umano siya ng pulis na “Lalo kang di makakalabas d’yan. Kinakalaban ako ng tiya mo”.

Pinepersonal umano sila ni PO2 Diones dahil ang tiya niyang si Imelda Lamar. Dati na umanong nagkaalitan at nagkasuhan ang dalawa.

Nung gabi ring yun pinalapit umano siya ng pulis sa rehas sabay tanong, “Anung kamay ba ang pinansapak mo?”.

“Hindi ko po sinapak yun” katwiran ni Mark.

Hinatak ni PO2 Diones ang kanyang kaliwang kamay. Nilagyan umano ng tatlong bala .45C ang pagitan ng kanyang mga daliri at inipit ito ng malakas.

“Wag po! Wag po!” sabi ni Mark habang naluluha.

Kung hindi pa tinawag ang pulis ng kasamahan hindi pa umano siya nito titigilan. Hindi pa nakuntento ang pulis. Binalikan pa umano siya nito muling tinawag at pinalo naman umano siya nito sa kamay ng patpat.

Magpapatunay umano nito ay ang kasamahang preso niyang si “Alvin”.

Bago ilipat sa bilibid si Mark pinagbantaan pa umano siya ng pulis.

“Ako pa ang kinalaban mo huh!” umano’y sabi nito.

Bandang alas 9:00 ng gabi lasing na lasing umanong lumapit sa selda si PO2 Diones at tinawag si Mark at pinalapit siya. Nalaman kasi nitong siya’y nalathala sa dyaryo ng lumapit sa amin si Adelaida upang humingi ng tulong.

“Garcia, baka naman pwedeng pagbawalan mo ang nanay mo na wag akong kalabanin. Alalahanin mo… nandito ka sa loob. Hawak kita!”, umano’y sabi ng pulis.

Maliban dito inutusan rin siya nitong babaeng pulis na umakyat sa rehas at sumabit dito na parang unggoy.

“Huwag kang baba dyan hangga’t di ako bumabalik!” utos umano ni PO2 Diones ayon kay Mark.

Dalawang oras lumambitin sa rehas si Mark. Maghahating gabi na umano ng bumalik si PO2 Diones.

Ika-8 ng Nobyembre ng malipat si Mark sa bilibid. Pati umano sa loob ng presinto na ang may poder ay ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sinundan siya si PO2 Diones. 

“BIGYAN mo ng magandang bigay yan ah!”, utos umano ng pulis sa mga kosa.

Nanginginig na pumasok sa loob ng selda si Mark. Pinagkumpulan siya ng mga lalaking bilanggo… pinalibutan.

Alam ni Mark ang ginagawa sa mga preso na bagong pasok sa kulungan. Gusto niyang humingi ng tulong subalit alam din naman niya na walang lalapit na tulong. Kahit ang kanyang ina hindi kayang hintuin ang mga susunod na mangyayari. 

ABANGAN ang karugtong ng pitak na ito sa MIYERKULES. EKSLUSIBO, dito lang sa CALVENTO FILES sa PSNGAYON.

Ilalahad din naman namin ang panig ni P02 Diones sa susunod na kolum. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)

Sa gustong dumulog ang aming numero 09213263166 o 09198972854. Ang landline, 6387285 at 24/7 PLDT hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Sabado.

NAIS din namin ianunsyo na maari kayong lumahok sa aming programa sa radyo para mailahad ang inyong problema kung hindi kayo makakapunta sa aming tanggapan. Para ma-ere ang inyong mga hinaing at katanungan maari kayong tumawag sa hotline sa radyo 4701750. Ang aming stasyon ay DWIZ 882KHZ.

Maari din ninyong ipadala ang inyong mensahe sa pamamagitan ng FACEBOOK sa Tony Calvento o [email protected]. Nakalog-on kami at babasahin namin ang inyong mga emails.

ADELAIDA

DIONES

MARK

SIYA

UMANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with