^

PSN Opinyon

Gen. Garcia 'di dapat palusutin

- Al G. Pedroche -

ANG lagay ba naman eh, puwede mo na palang nakawan ng malaking halaga ang gobyerno, tapos makalalaya ka na kapag isinauli mo ang kalahati? Wow naman!

Baka nagsasawa na kayo sa paksang ito dahil sobrang “talk of the town” na pero nakakatawang nakakainis eh. Habang maraming mahihirap na nabilanggo sa kaunting ninakaw, may mga impluwensyal na taong puwedeng makalusot sa milyun-milyong nakaw na yaman.

Sabi nga ni Senador Kiko Pangilinan, ang pinasok na “plea bargain” ni dating AFP comptroller Carlos Garcia ay isang “midnight deal” sa Ombudsman para lumusot ang Heneral. Hindi dapat tantanan sa pagtuligsa ang paksang ito para hindi magkaroon ng miscarriage of justice. Plunder ang dapat ikaso kay Garcia na may pataw na pinakamabigat na parusang habambuhay na pagkabilanggo at hindi puwede riyan ang plea bargain para umamin siya sa mas magaan na kaso.

Ito’y tahasan paglapastangan sa hustisya at batas. Wika nga ni Sen. Kiko, nangyari pa naman ito noong Pebrero 25, 2010 na ipinagdiriwang ng bansa bilang anibersaryo ng People Power. Lumalabas na ang mga kasangkot sa pagluluto ng midnight deal na ito ay ang Ombudsman sampu ng mga prosecutors na malapit sa nakalipas na administrasyon sa kampo ni Garcia.

Ibig sabihin, mababalewala na ang hinahabol ng gob­yerno na P175 milyong assets ng dating heneral bukod pa sa P303M sinasabing ninakaw niya.

Kahit saang anggulo tingnan, wala akong masilip na moralidad sa kasunduang ito. Ito’y isang malaking pabor   sa isang inaakusahang magnanakaw. Tama si Pangili-nan at ang iba pang bumabatikos sa pangyayaring ito.

Hindi dapat palusutin si Garcia upang mag­pasasa sa malaking yaman na na­kulimbat sa pamahalaan.

Isipin na lang yung mga maliliit na taong dahil sa ninakaw na kaunting barya ay nabubulok sa piitan. Totoong nangyayari iyan. Mga pobreng hindi nagbayad ng kinain sa restawran at inihabla at nakapiit ngayon dahil wa­lang pampiyansa. Nasaan na ang katarungan kung magkagayon?

vuukle comment

CARLOS GARCIA

GARCIA

HABANG

HENERAL

IBIG

ISIPIN

KAHIT

PEOPLE POWER

SENADOR KIKO PANGILINAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with