Si Sonny Guiterrez ang PDEA

Si tired este mali retired Chief Supt. Jose ‘Sonny’ Guiterrez, ang bagong ama ng Philippine Drug Enforcement Agency ngayon.

Bakit?

Pinalitan nito si PDEA director Dionisio Santiago dahil itatalaga ni P. Noy si Sonny sa nasabing ahensiya.

Si Sonny, ay miembro ng PMA Class 73.

Ika nga, upper class niya si Santigago porke miembro ito ng PMA Class 70.

Mahusay ang napili ni P. Noy tiyak na hindi siya ililigwak ni Sonny kahit multi-billion dollar business ang illegal drugs sa Philippines my Philippines.

 Kilala ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Sonny, isang maginoo, tahimik, magalang at mabait.

Bro. keep up the good work! Si Parang Negre, huwag mong kalimutan. Hehehe!

Si Roxas ng PCSO

AMINADO si PCSO Chairman at PRC Chairman Jose Ferdinand M. Roxas 11, na talamak ang jueteng operations.

Sabi nga, ginagamit lang front ang STL sa mga pro­binsiya ng Batangas, Laguna, Quezon at iba places sa Luzon.

Naku ha!

Ngayon mo lang nalaman?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, karamihan daw sa mga nakabili ng prangkisa ng STL sa mga provinces ay mga jueteng gambling lords?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Kaya daw ang mga jueteng operations dito ay walang humpay sa pamamayagpag dahil nakasandig o gamit sa kalokohan ang STL.

Ano ang ginagawa ninyo mga kamote?

Sabi ni Roxas, nahihirapan hulihin ang illegal gambling game dahil gamit daw ng mga sindikato ang papelitos ng STL kaya kapag sinita sila semplang ang mga tumatara este mali nanghuhuli pala dahil legal ang kubrahan blues.

Lumang tugtugin na ito.

STL sa ibabaw jueteng sa ilalim ang operasyon ng mga kubrador hindi na bago ang operasyon lumang tugtugin na ito kaya nga ang engreso ng STL ay napakaliit samantala ang engreso sa ibang probinsiya ng jueteng everyday ay hindi bababa sa P3 million pataas.

Ngayon lang nag-salita si Roxas tungkol sa operasyon ng STL pero bakit hindi siya magsalita sa operasyon ng horse racing bookies na talamak na nagkalat na parang kabute?

Matagal na si Roxas sa karerahan ng kabayo up to now ay pausbong ng pausbong ang mga illegal bookies sa mga lugar partikular dyan sa Manila

Sa palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO, kahit na gawin legal ang lahat ng uri ng sugal hangga’t nagkalat ang mga matatalinong financers hindi matitigil ang illegal gambling sa Philippines my Philippines.

Bakit?

May porsiento ang mga kubrador sa kubransang ini-engreso nila at may balato pa sa mga mananayang tumama sa sugal na tinayaan.

Abangan.

Mayor Aldrin San Pedro, read this!

MAYOR, kilala ninyo ba si Ka Tom at Ka Adiong ang sinasabing Batman and Robin dyan sa lugar ninyo.

Bakit?

Kasi partner in crime ang dalawang kamote.

Kung ano ang sabihin ni Batman payag si Robin!

Kaya naman ang jueteng operation sa Muntinlupa na pinatatakbo ng isang Allan Manuela at isang Kevin Uy, financer ay bukas na.  Alam mo ba ito Mayor San Pedro?

Sina Ka Tom at Ka Adiong ang nagbigay ng ‘go signal’  P2 million ang pinaguusapan ‘hingian’ ng money puera pa todits ang porsiento sa kabuuan kita everyday sa jueteng.

Hindi kikibo sina Batman and Robin basta para masi­guro ang pasugal nina alyas Allan at Kevin itanong mo sa mga Barangay na may kubrahan blues na nangyayari noon pang ikatlong linggo ng Dec. 2010.

Abangan.

Show comments