^

PSN Opinyon

Mag-ingat sa sunog

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

NAPAKASAKLAP naman ang sinapit ng mga taga-Barangay Cupang, Muntinlupa City na kung kailan Pasko ay saka naabo ang kanilang ipinundar na tanging yaman. Maging ang mga kabataan na sa murang kaisipan ay malalasap nila ang kalunos-lunos na kapalaran, hindi na nila magawang magsaya ngayong Pasko dahil wala na silang matutulugan. 

Nagmula lamang umano sa pinabayaang siga ng basura ang dahilan ng sunog. Tinatayang may 500 kabahayan ang tinupok ng dambuhalang apoy na aabot sa 2,000 pamilya ang nawalan ng mga tahanan at ari-arian.

Kulang pa sa programa ang pamahalaan natin na mapalaki ang mga kalsada sa bawat barangay natin kung kaya mahirap sa mga pamatay-sunog na maabot ang mga nasusunog na kabahayan, kayat kadalasan kung marating man ito tiyak na malaki na ang damages. Ganyan ang pangunahing dahilan sa ating lipunan na dapat na pag-ukulan ng pansin ng ating pamahalaan at maging ng ating mga local government dahil kung patuloy na magbulag-bulagan sila tiyak na mas lalong magiging malala ang kahinatnan ng ating mga kababayan sa hinaharap.

Mantakin n’yo mga suki, napansin ko agad ito nang magtungo ako sa naturang lugar, nahirapan kami sa paghahanap ng kalsada na madaanan dahil ubod ng kipot at marami pa ang sagabal. Kaya halos sumayad sa mga kabahayan ang mga fire truck na rumeresponde. Mabuti na lamang at nagbigay ng daan ang ilang mga warehouse company na magamit ang kanilang pribadong compound upang makapasok at makaakyat sa mga bubungan ang mga bumbero. Ngunit hindi ito naging madali sa ating mga bumbero dahil kinapos pa rin sila ng supply ng tubig dahil naabala ang mga tanker at pawang mga maliliit lamang na fire truck ang umubra.

Naging maagap naman si Muntinlupa City Mayor Aldrin San Pedro sa pagdamay sa kanyang mga kababayan. Agad siyang kumilos sa pagbibigay ng tulong sa mga biktima at pinakilos ang lahat ng kanyang mga tauhan upang damayan ang mga nasunugan. Ang karamihan ay kanyang pinalikas pansamantala sa Cupang Elementary School upang ang mga kabataan at may kapansanan ay maiiwas sa nakamamatay na usok at init ng paligid. Ngunit Mayor San Pedro sir, sa iyong nasaksihan marahil mairerehistro muna sa iyong isipan na mas higit na dapat na pag-ukulan ng pansin ang pagplano ng mga kalsada sa bawat barangay na naiipit sa mga dambuhalang lote ng mga negosyante. Kalsada ang dapat na pag-ukulan mo ng pansin sa ngayon upang madaling marating ng inyong mga kamay ang mga mahihirap nating kababayan.

Hindi pa man lubos na nakapahinga ang ating mga pamatay sunog aba’y muli na naman sumiklab ang sunog sa mga barung-barong ng mga mahihirap nating kababayan sa Baseco Compound sa Port Area, Ermita, Manila. Tinatayang 50 kubol ang nasunog at hindi bababa sa 200 pamilya naman ang nawalan ng masisilungan ngayon Pasko. Nagmula umano sa napabayaang super kalan ng nag-aaway na mag-asawa ang dahilan ng pagkasunog sa mga barung-barong. Kailan pa tayo matutong umiwas sa sunog, kung huli na ang lahat? Kaya mga suki, ngayon palang mapagpanuri tayo sa ating kapaligiran dahil kung magiging pabaya tayo tiyak na sa abo lahat mapupunta ang ating pinaghirapan.

Maligayang Pasko sa inyong lahat, nawa’y kamtan natin na buo ang ating pamilya na masaya sa diwa ng Pasko.

ATING

BARANGAY CUPANG

BASECO COMPOUND

CUPANG ELEMENTARY SCHOOL

KAYA

MALIGAYANG PASKO

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY MAYOR ALDRIN SAN PEDRO

PASKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with