^

PSN Opinyon

700-Club at EDGE radio partnership

- Al G. Pedroche -

HINDI na talaga mapigilan ang pagdating ng Pasko. Ngunit kung marami ang nagsasaya sa araw na ito, huwag nating kalilimutan yung mga nagdurusa. Yung mga mahihirap at may sakit. Marami sila. Kaya sinasaluduhan natin ang mga non-government organizations na sa panahong ito’y nagsasagawa ng gift giving sa mga mararalita nating kababayan.

Kaugnay nito, nagtambalan ang Edge Radio at Operation Blessing Foundation Philippines ng 700 Club Asia sa isang programang kung tawagin ay First Day of Christmas na ginanap sa Child House sa E. Rodriguez Ave., Quezon City kamakailan.

Hindi lang basta mahihirap ang nabiyayaan kung yung mga kabataang may karamdaman kasama na ang kanilang mga magulang. Tumanggap sila ng mga damit, laruan at iba pang basic needs nila para maging maligaya ang pagdiriwang ng pagsilang ng Panginoong Hesus sa kanila.

Kung marami pang mga organisasyon ang magsasagawa ng ganito, mababawasan nang malaki ang bilang ng mga nalulungkot sa Pasko, di ba? Afterall, iyan naman ang diwa ng Pasko. Pagbibigay. Di nga ba’t sariling buhay ng Panginoong Hesus ang ibinigay niya para sa ating kaligtasan?

Ang Child House o Center for Health Improvement and Life Development ay isang tahanang kumakalinga sa mga may karamdamang bata na suportado ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

Siyanga pala, ang Edge Radio ay isang radio station na napapakinggan lamang through the internet at puwede n’yo itong bisitahin sa www.theedge.ph.

Ito’y pinangangasiwaan ng mga kaibigan natin ang katuwang sa the Media Pillar – ang mag-asawang sina Ron at Joyce Titular.

ANG CHILD HOUSE

CHILD HOUSE

CLUB ASIA

EDGE RADIO

FIRST DAY OF CHRISTMAS

HEALTH IMPROVEMENT AND LIFE DEVELOPMENT

JOYCE TITULAR

PANGINOONG HESUS

PASKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with