^

PSN Opinyon

R-II builders, bayad na naniningil pa?

- Al G. Pedroche -

KUNG sinasabing malaki ang budget deficit ng pamahalaan, dapat suriin ang mga transaksyon nito at baka may mga kuwestyonableng paniningil na nangyayari.

Halimbawa, bakit P1.8 bilyon pa ang sinisingil ng R-II Builders, Inc. sa pamahalaan kaugnay ng Smokey Mountain project, gayung fully paid na raw ito noon pang 2002? Ito ay ayon sa isang dokumento – isang resolusyon ng pagbabayad sa R-II ng asset pool governing board ng proyekto.

Mismong si Reghis Romero, may-ari ng R-II, ang isa sa signatories sa payment approval resolution na may petsang July 4, 2002. Lumagda rin sina HGC president Gonzalo Bongolan at Arthur Cacdac ng National Housing Authority (NHA).         

Sa resolusyon, P659,274,223 ang total investment claim ng R-II sa P4.78 bilyong proyektong pabahay para sa 3,000 pamilya sa dating tambakan ng basura. Sa naturang halaga, ibinawas ng governing board ang P145,881,523 nai-advance na ng R-II mula sa revolving fund, kung kaya ang total na kabayaran ay P513,392,700. Ang breakdown ng P513 milyong bayad sa R-II ay P255 milyong halaga ng property sa ngayon ay Manila Harbor Center at P258.4 milyong common shares sa Harbor Center Port Terminal, Inc.

 Bilang Pilipino, tingin ko’y hindi katanggap-tanggap ang paniningil pa ng R-II ng P1.8 bilyon bilang “residual value”. Sobrang kagarapalan na iyan.

Noong bago manumpa sa tungkulin si P-Noy, sumulpot ang isang isyu tungkol sa draft memorandum of agree­ment na kung di nabuking ay nagresulta sana sa pagbabayad ng HGC ng hinihinging “residual value” ng R-II. Kung sino man ang nagpasingaw niyan, salamat sa iyo dahil pera ng bayan ang sana’y nadisgrasya sa naunsyaming bayaran na yan.

ARTHUR CACDAC

BILANG PILIPINO

GONZALO BONGOLAN

HALIMBAWA

HARBOR CENTER PORT TERMINAL

MANILA HARBOR CENTER

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

REGHIS ROMERO

SMOKEY MOUNTAIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with