^

PSN Opinyon

'Panalo ka ng SILO!'

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

PINAG-IINGAT ng BITAG ang lahat sa inyong mga binibisita at pinapasyalang malls.

Dahil sa inyong pamamasyal at paglalakad, kahalubilo ninyo na pala’y pawang manloloko.

Ilang araw na lamang bago mag-Pasko siguradong iba-ibang klase ang iyong makakasalubong at makakaengkuwentro.

Katulad ng isang grupong tinitiktikan ngayon ng BITAG. Sa isang napaglumaang mall sa Maynila matatagpuan ang grupo ng mga maninilong ito.

Sunud-sunod na reklamo na ang natanggap ng aming grupo sa kanilang panggagantso.

Nang makilala namin ang inirereklamong grupo, hindi na bago sa amin ang kanilang estilo ng kanilang panloloko este pang-eengganyo.

Isa lang sila doon sa mga kumpanyang iba-iba ang pakulo sa kanilang produktong ibinebenta sa loob ng mall.

 Sila yung mga sumasalubong sa iyo sa entrada ng mall, sa escalator, sa pasilyo, sa food court at maging sa mga comfort room.

 Nakabihis nang maayos, unipormeng pang-opisina at hindi mahahalata sa unang tingin na sila’y mga manggagantso.

 Libreng produkto raw sabay abot ng isang item, give aways kumbaga. Susundan ka ng tanong, anong network ng cellphone po ang gamit niyo?

Kahit ano ang isagot mo, sigaw ng mga kolokoy at kolokay, congratulations nanalo po kayo!

Ang nakakatawa at nakapagtatakang eksena, panalo ka raw pero wala ka namang sinalihang contest o promo.

Biglang papalibot ang mga ito sayo at babagsa­kan ka ng masigabong pa­lakpakan. Kasunod nito ang pamilyar na prosesong ito: Iimbitahan ka kuno sa kanilang tanggapan, hihingian ng anumang I.D. kabilang na ang credit card.

 Pamilyar ba sa inyo ang tinutukoy na ito ng BITAG? Hinihintay namin ang iyong reklamo.

Abangan ang grupong ito na bumingo sa aming surveillance camera!

ABANGAN

BIGLANG

DAHIL

HINIHINTAY

IIMBITAHAN

ILANG

ISA

KAHIT

KASUNOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with