^

PSN Opinyon

Inuuna ang sugalan

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

NAGTATAKA ang mga Manilenyo kung bakit inuuna ni NCRPO director Chief Supt. Nicanor Bartolome ang kampanya laban sa mga pasugalan at bold shows samantalang laganap na ang kriminalidad sa Metro Manila. Laman naman ng balita sa radyo, TV at diyaryo ang mga krimen na isinasagawa ng Martilyo Gang, riding in tandem at iba pa subalit may nahuhuli ba ang mga tauhan ni Bartolome? Marami pang krimen ang hindi narireport sa pulisya dahil alam ng mga biktima na wala rin silang maaasahan na malutas ang kaso nila. Ang problema sa pasugalan na madaling lutasin ang binibigyan pansin ni Bartolome. Kung sabagay, tagumpay naman ang kampanya ng regional public safety batallion (RPSB) laban sa pasugalan dahil marami ang naaresto nila.

Nanginginig hindi sa lamig kundi sa takot ang gambling lords at bold show operators sa MM dahil ang gamit ng RPSB ni Col. Elmer Cabreros ay sina SPO3 Arnold Sandoval at Bebet Aguas. Sina Sandoval at Aguas ay gamit din noon ni Col. Jomar Espino, ang pinalitan ni Cabreros. Alam ng dalawa ang kalakaran sa Metro Manila. Si Sandoval ay sa Maynila namumugad samantalang si Aguas ay gamit din ni Sr. Supt. Ed Ladao ng NPD. Marami ang nagsabi na ang lakad nina Sandoval at Aguas ay Oplan Pagpakilala lang ni Cabreros. Ang puna lang nang marami, inuunang ituro nina Sandoval at Aguas ang gambling lords na may utang sa kanila. Dahil nang sinibak ni Bartolome si Espino, marami sa gambling lords ang hindi na nagbigay ng lingguhang tara kina Sandoval at Aguas. Kaya hayun, sila na rin ang nanguna para inguso ang mga may utang sa kanila.

Ang puna lang ng mga kausap ko sa MPD, mukhang hindi sinusunod ni Bartolome ang memorandum ni PNP chief Dir. Gen. Raul Ba­calzo na hindi dapat ma­kisawsaw sa pasugalan ang tropa ni Cabreros. Ang dapat atupagin ng RPSB ay ang internal security operation at iba pang threat sa bansa. Sa ngayon may plano pa ang tropa ni Bartolome na magtatag ng regional special ope­ration group (RSOG) na pamumu-nuan ni Col. Alex Sintin. Kahit bali-baliktarin pa ang table of organization ng NCRPO wala sa plantilla nito ang RSOG. Maliwanag na pera-pera lang ang magiging lakad ng RSOG. Kung sabagay, ang lahat ng huli ng RPSB ay kinasuhan. Kasama ito sa no take policy ni Bartolome. Kaya lang ang puna ng taga-MPD, mukhang may kinikili-ngan si Bartolome sa kampanya sa pasugalan dahil iniiwasan ng mga tauhan niya ang Basketball 38 ng tropa nina Perry Mariano, Tepang at Eddie Caro sa Quezon City. Ang Basketball 38 ay front lang ng jueteng. Kaya hambalusin mo na ang Basketball 38 nina Mariano, Tepang at Eddie Caro, Gen. Bart­olome para ipaki-ta sa sambayanan na karapat-dapat kang maging PNP chief.

ALEX SINTIN

ANG BASKETBALL

ARNOLD SANDOVAL

BARTOLOME

CABREROS

EDDIE CARO

KAYA

METRO MANILA

SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with