^

PSN Opinyon

Pag-aaral sa isyu ng mga 'kuliglig'

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

KAILANGANG pag-aralan ang isyu ng tinaguriang mga “kuliglig” (motorized pedicabs) sa Maynila, partikular sa posibilidad na ibilang sila sa maintream transportation means sa naturang lungsod at sa iba’t ang bahagi ng ating bansa.

Ito ang iginiit ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment, and Human Resources Development at ng Congressional Oversight Committee on Labor and Employment (COCLE).

Ang pahayag ni Jinggoy ay kaugnay ng pagbabawal ng pamahalaan ng Maynila sa mga “kuliglig’’ na magbiyahe sa mga pangunahing kalsada dahil sa kanila umanong pagi­ging peligro sa mga lehitimong motorista na gumagamit ng kalsada. Nariyan din ang kanila umanong magulo at naghahari-hariang istilo ng pagbibiyahe na hindi sumu­sunod sa mga batas-trapiko.

Kinukuwestyon din kung ligtas bang sakyan ang mga ‘‘kuliglig’’ kasabay din ng pagpuna na hindi naman sila nakarehistro at hindi nagbabayad ng lisensiya at buwis sa pamahalaan.

Ayon kay Jinggoy, sa gitna ng mga pagpunang ito ay magandang tingnan din ang mga positibong bagay tungkol sa mga kuliglig tulad ng kanilang pagiging kinikilalang inobasyon ng mga Pilipino, at ang kanilang naitutulong sa mga komunidad sa pang-araw-araw na malapitang biyahe ng mga residente patungo at mula sa palengke, grocery, school, botika, health center at mga klinika, gayundin sa mga terminal ng bus, jeepney, taxi at LRT at pier. Dagdag niya, dapat ding ikonsidera ang napakarami na naman nating kababayan na mawawalan ng trabaho kung tatanggalin ang mga ‘‘kuliglig’’.

Binigyang-diin ni Jinggoy na ki­nikilala at hinihikayat sa mara­ming bansa ang paggamit ng “mopeds” (motor-pedal) vehicles na maika­kategorya ang mga ‘‘kulig­lig’’ basta’t ang mga ito ay may ser­tipikasyon ng pagiging ligtas sa pagbibiyahe, may nakatakdang maximum speed, nagtitiyak nang maayos na serbisyo sa mga pasahero, sumusunod sa batas-trapiko at nagbabayad ng buwis sa gobyerno.

CONGRESSIONAL OVERSIGHT COMMITTEE

HUMAN RESOURCES DEVELOPMENT

JINGGOY

LABOR AND EMPLOYMENT

MAYNILA

SENATE COMMITTEE

SENATE PRESIDENT PRO TEMPORE JINGGOY EJERCITO ESTRADA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with