Saluduhan si Senator Sotto
SCRATCH pala sa Senate ang P872 million para sa pambili ng injectibles at pills.
Bakit?
Sagot - ibibigay ito sa State Universities and Colleges!
Sino ang may sabi?
Si Senator Tito Sotto, ang nagsulong para tapyasan ng budget ng DOH at ilalaan niya sa SUCs P143 million ito at ang P211 million ay para sa scholarships ang matitirang pera ay pinagiisipan pa kung saan ipo-pondo.
Isinulong ni Sotto na tanggalin ang budget para sa contraceptives katulad ng pills at injectibles kaya lang nagtira pa siya ng P8 million para ipambili ng condom.
Bida ni Sotto na labag sa Article 2, Section 12 ng 1987 Constitution ang paggamit ng mga contraceptives dahil dapat umanong sigu–raduhin ng estado na ang lahat ng mamamayan pati ang mga sanggol sa sinapupunan pa lamang ng isang ina ay magkakaroon ng karapatan na mabuhay.
Nasa P32.627 billion ang hinihinging budget ng DOH para sa 2011 pero dahil sa tinapyas na ang P872 million ay P31.755 billion ang natira sa kanila.
Sabi nga, palakpakan si tito!
Kuliglig dapat sumunod sa batas!
KAWAWA rin mga ‘kuliglig’ nagka-windang-windang bukod pa dito marami rin ang nasaktan hindi lang ang mga drayber nito kundi pati ang kapulisan ng magkaroon ng dispersal.
Walang may gusto sa nangyari kaya lang nagmatigas ang mga ‘kuliglig’ boys kaya hayun sakit ng katawan ang inabot nila.
Sabi nga, batas ang ipinairal!
Hindi rin kasi maganda ang ginawa ng ‘kuliglig’ boys ng mag-rally sila sa city hall imbes na magkaroon ng maayos na pag-uusap sa mga autoridad nagmatigas sila at ang masama pa iniwan nila ang kanilang mga ‘kuliglig’ vehicle sa gitna ng daan kaya naman grabe as in grabe ang traffic sa nasabing place.
Hindi kasi matanggap ng ‘kuliglig’ boys na bawal na sila sa mga pangunahin lansangan sa Manila kaya hayun nagka-hetot-hetot sila.
Sabi ni Manila Mayor Fred Lim sa mga kuwago ng ORA MISMO, hindi naman nila inaalisan ng kabuhayan ang mga kuliglig at sa halip ay nais lamang nilang ipatupad ang batas hinggil sa Clean Air Act at puede pa naman sila sa mga secondary streets bumiahe.
Hindi pala biro ang ‘kuliglig’ vehicle may 10,000 na pala sila sa Maynila.
Naku ha!
Ang dami pala nila.
Sabi ni Lim, alam niya ang karapatan ng mga ito, kailangan din aniyang respetuhin ang karapatan ng lahat.
May malaking problema dito dahil ang mga kuliglig vehicle kung makadisgrasya ay hindi puedeng habulin kasi nga hindi ito naka-rehistro sa LTO at siempre walang insurance.
‘Ano ngayon ang dapat gawin sa kanila?’ Tanong ng kuwagong colorum.
‘Sundin ang batas!’
Korek ka dyan, kamote.
Presyo tataas pa next year
NGAYON pa lang nararamdaman ng madlang people sa Philippines my Philippines ang pagtaas ng presyo hindi porke christmas season kundi sa buong mundo ito nangyayari.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa China ay nagtaas na sila ng presyo ng mga bilihin pero hindi nila gaanong inaalintana ang pagtaas dahil kayang-kaya naman daw nila ito kasi nga maganda ang sahod nila at ang pera nila ay hindi gumagalaw hindi katulad sa atin taas-baba.
Ano ang problema?
Kailangan magtipid ang madlang people at maging mabusisi at mapagbantay sa lahat ng mangyayari sa susunod na taon dahil hindi biro ito.
Sabi nga, may boomerang effect.
Oras na magtaas ang presyo ng gasolina, kuryente, tubig, pagkain echetera.
‘Paano ngayon?’
‘Dyan kayo ang bahala!’
- Latest
- Trending