^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Krimen ay tumataas, kailangan ay matapang at matinong parak

-

ARAW-ARAW ay may nangyayaring krimen. Hindi na natutulog ang mga kriminal at walang takot kung sumalakay. Sabi ng Philippine National Police (PNP) magpapakalat sila ng mga pulis na magpapatrulya. Mga pulis daw na riding-in-tandem ang kanilang idedeploy para malabanan ang mga kriminal. Ngayon daw na papalapit ang Pasko ay kailangang mabantayan ang mamamayan sa mga masasamang-loob.

Pero mas maliksi ang mga masasamang loob na riding-in-tandem din sapagkat bago pa makadalo ang mga pulis ay wala na ang mga masasamang loob. Nilamon na ng dilim ang mga masasamang magkaangkas sa motorsiklo. Ang tanging naiwan ay ang biktima ng riding-in-tandem na walang nagawa nang hablutin ang kanyang bag. Ang iba, walang awang binabaril ng riding-in-tandem at nakabulagta, wala nang buhay.

Kailangan ang mga matitinong pulis sa panahong ito para maprotektahan ang mamamayan sa pa-nganib. Pero paano nga mapoprotektahan gayung mas maliksi ang mga masasamang-loob.

Kamakalawa, isang lalaking principal sa public school ang binaril at napatay ng umano’y riding-in-tandem sa Bagong Silang, Caloocan City. Pauwi na mula sa pinaglilingkurang school si Reynaldo Yamsuan, 59, nang harangin ng dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo ang minamanehong sasakyan ng biktima. Pinagbabaril at namatay habang isinusugod sa ospital. Walang pulis na nakarating agad sa lugar ng krimen. Ang mga killer ay malayang nakalayo sa lugar. Maaaring hindi na malutas ang kaso katulad nang maraming iba pa.

Patuloy ang pagsalakay ng riding-in-tandem at kahit sa karamihan ng tao at kaliwanagan ng araw ay walang takot mangholdap. Walang takot kung mang-agaw ng bag at alahas.

Hinihintay ng mamamayan ang pangako ng PNP na paiigtingin nila ng police visibility. Magpapatrulya raw 24/7. Sana ay hindi lamang ito pangako. Marami na ang nangangamba sa tuwing sila ay lalabas ng bahay. Kung mayroong matitinong pulis sa kalsada, nagkakaroon ng kapanatagan ang mamamayan. Huwag biguin ang mamamayan sa pagkakataong ito. Kailangan nila ng proteksiyon mula sa matitino at matatapang na pulis.

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY

HINIHINTAY

KAILANGAN

PERO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PULIS

REYNALDO YAMSUAN

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with