^

PSN Opinyon

'In search for truth.'(Last Part)

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

KADALASAN, ang mga kaso ng HULIDAP ay hindi na nakakarating pa sa tanggapan ng Camp Crame.

Partikular ang tanggapan ng Internal Affairs Services (IAS) na dapat pinupuntahan ng anumang reklamo laban sa sinumang miyembro ng Philippine National Police.

Kunsabagay, sa sariling bakuran nga, sa mismong mga kampo, kung minsan ay hindi na rin nakakaabot ang ganitong krimen sa tanggapan ng Chief of Police mismo at ng Regional Director.

Dahil ang mga gumagawa nito ay yung mga tauhan lamang sa ibaba. At sa hepe pa lang ng bawat departamento, pinapatay na ang ganitong isyu lalo na’t may reklamo.

Huli na bago malaman ng mga pinaka-pinuno ang kabulastugang ginawa ng kanilang mga tao, dahil unang nakarating sa BITAG at ginawa namin ang aming trabahong ipaalam sa nakatataas.

Ang siste, upang siguro’y maawat ang BITAG sa   aming pag-iingay – dahil sa paghahanap sa katotoha-          nan at pagtugis sa may kasalanan, ikinukulong sa kampo o “grounded” ang mga pulis na inirereklamo.

Ganunpaman, hindi tumitigil ang BITAG sa paghahanap ng bawat katotohanang dapat lumabas. Marami kami sa krusadang ito, hindi lamang nag-iisang tanggapan ang BITAG na lumalaban sa HULIDAP.

Hindi kami titigil sa pagkumpronta sa mga otoridad na sangkot sa krimeng ito mapalabas man o loob ng kanilang mga kampo o headquarters.

Iginagalang ng BITAG ang uniporme ng PNP subalit

 kung ito ay binabastardo ng nagsusuot nito dahil sa kanilang mga kalokohan, maging babala ito sa sinumang otoridad.

Kahit saan man magtago, saan man magpunta, susundan sila ng BITAG upang di pamarisan.

May nakahanda ka-ming laging patibong at sigurado kaming mahuhulog ang mga hinahanting namin dito, sa ngalan ng HUSTISYA at KATOTOHANAN.

BITAG

CAMP CRAME

CHIEF OF POLICE

DAHIL

GANUNPAMAN

INTERNAL AFFAIRS SERVICES

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

REGIONAL DIRECTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with