'Sex scandal mo. dokumentado ko!'

(Ikalawang Bahagi)

KOLEHIYALA ang mga sumunod na biktima ng sex scandal pagpasok ng taong 2008.

Mula sa isang kilalang unibersidad sa U-belt Maynila, lumapit ang 2nd year college at menor de edad na biktima.

Malayo siya sa kaniyang pamilya na mula pa sa isang probinsiya sa Norte kung kaya’t naranasan ang buhay mag-isa sa Lungsod.

Hindi niya akalain na ang pinagkatiwalaang boy-   friend na isang senior batch ang maagang sisira ng kaniyang buhay.

Kumalat sa buong campus ang kaniyang video na hubo’t hubad habang naliligo. Mula sa cellphone, hanggang sa internet ay napanood ang kaniyang video.

Ang siste, hindi nakipagtulungan ang unibersidad sa kaso ng kanilang estudyante.

Malinaw sa panuntunan ng Commission on Higher Edu­cation na malaki ang papel ng bawat institusyon upang muling maiangat ang moralidad ng kanilang mga mag-aaral.

Kasama rito ang pagbibigay ng mga proyekto katulad ng home study program o assistance upang huwag matigil sa pag-aaral.

Kaya naman, inilapit na ito ng BITAG sa Department of Social Welfare and Development- National Capital Region (DSWD-NCR) at sumailalim sa ilang pagsusuri ang estudyante dahil sa trauma na naranasan.

Hindi pa man natutuldukan ang problema ng kolehiyalang biktima ng sex scandal, isang high school student naman ang dumating sa aming tanggapan.

Mula sa cellphone ng kaniyang dating kasinta-han, walang kamalay-malay ang bata na nakadokumento ang kanilang pagtatalik.

Ilang buwan ang lumipas matapos nilang maghiwalay, isang kaklase ang nagbalitang may sex video ang bata at kasalukuyang pinagpapasa-pasahan ang video sa kanilang eskuwelahan.

Nagawa pa nilang kumuha ng kopya mula sa isang cellphone shop sa Divisoria. Ang dating nob­yong pinagmulan ng sex video, hindi na mahagilap pa at itinangging siya ang nagpakalat ng video.

Ga­yundin ang kaso ng high school student mula sa La­guna, matapos siyang lasi-ngin at patulugin ng mga ka-klase, binaboy ang kanyang katawan habang kinukuha-nan ng video sa cellphone.

Sa mga ganitong kaso, ang laging talo, ang laging dehado, ang kawawa at ang biktima, ang babaeng laman ng sex video o sex scandal.

Kahihiyan, kasiraan at katahimikan habang nagdurusa ang pasanin na gawa ng mapanirang sex scandal.

At lahat ng kasong hi-nawakan ng BITAG na may kinalaman dito, kumprontasyon sa harap ng camera at publiko ang nagagawang aksiyon, alam namin na hin-di pa ito sapat.

Hanggang isang kongresista ang nakapansin sa krusadang ito ng BITAG….

Abangan ang huling bahagi…

Show comments