^

PSN Opinyon

Bakit ba may langgam?

PILANTIK - Dadong Matinik -

Bakit ba may langgam at ano ba sila

ano ba ang misyong inaangkin nila?

Kanilang gawai’y waring naiiba

na sa mundong ito sila’y nakilala?

Katulad ng tao langgam ay may buhay

pero kakaiba kanilang paggalaw;

Kay liliit nila at nagsisigapang –

sa lupa’t kung minsa’y sa loob ng bahay!

Sa taong patay na sa bayan at bukid

naroon ng langgam na namumutiktik;

Kinakagat nila sa lahat ng panig –

kung buto na ito ay saka aalis!

Tambak ng basura’t natapong asukal

naroroon sila kahi’t magdamagan;

May mga langgam na nag-aakyatan

hanggang sa kisame at mga bubungan!

  

Bahay na malaki at bahay na pawid

paggapang ng langgam ay nakakagalit;

Pula man o itim ating winawalis

at sinusunog pa sa laki ng inis!

May reyna ang langgam – ayon sa istorya

hindi sinusuway mga utos niya;

Sa araw at gabi sila’y pila-pila

at nagsasalubong pagkain ang dala!

Nakapagtatakang sa baha at bagyo –

hindi nalulunod ang langgam sa mundo;

Lindol at tsunami dumating man ito

itong mga langgam ay wala na rito!

Kay napag-isip – ang misyon ng langgam –

pinupulbos nila ang lahat ng bagay;

Dambuhalang hayop, tao at halaman

kinakain nila buhay man o patay!

Maliit ang langgam pero may gawain

na dapat gampanan sa daigdig natin;

Diyos na marunong nang sila’y likhain

nakatoka sila na tayo’y pulbusin!

BAKIT

DAMBUHALANG

DIYOS

KANILANG

KATULAD

KINAKAGAT

LANGGAM

LINDOL

MALIIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with