^

PSN Opinyon

'Ano pong palatandaan na may cancer sa bayag?'

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
Dear Dr. Elicaño, itatanong ko lang po kung ano ang palatandaan ng may cancer sa bayag. Ano po ba dahilan at nagkakaroon ng cancer sa bayag? Kung halimbawa po at tanggalin ang isang bayag, maaari pa bang magkaanak? Pakipaliwanag lamang po Doktor.

—MOISES DE JESUS, Concepcion, Marikina City

Ang cancer sa bayag o testicular cancer ay ang pagkakaroon ng malignant cells sa mga bayag mismo. Mara-ming uri ang malignancy at karaniwang nagkakaroon  ang mga kalalakihan na ang edad ay 30 pababa.

Hindi matukoy ang dahilan ng pagkakaroon ng cancer sa bayag subalit ang mga kabataang lalaki na may undescended testicle o ang tinatawag na cryptorchidism mula pa noong sila ay ipinanganak ay mataas ang posibilidad na magkaroon ng cancer. Sintomas ng cancer sa bayag ay ang pagkakaroon ng bukol na hindi gumagalaw sa scrotum. Lumalaki ang bukol at masakit. Kapag nakapansin ng bukol ang mga kalalakihan, huwag mag-atubiling kumunsulta sa doctor.

Maraming treatment sa cancer sa bayag at kabilang dito ang operasyon. Aalisin ang apektadong bahagi ng bayag. Ang chemotherapy at radiotheraphy ay kabilang din sa treatment.

Maraming uri ng cancer sa bayag ang nagagamot kapag natuklasan nang maaga. Kabilang sa mga preventive measures ay ang buwanang eksaminasyon sa bayag.

Kahit natanggal na ang isang bayag, maaaring ma-maintain ang fertility at normal ang sexual function.

AALISIN

ANO

BAYAG

CANCER

CONCEPCION

DOKTOR

DR. ELICA

KABILANG

MARAMING

MARIKINA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with