^

PSN Opinyon

Peace talks

- Al G. Pedroche -

MATAPOS maging kontrobersyal dahil sa pakikipag­singhalan sa ilang Muslim Solons, inihayag ni Presidential Peace Adviser Teresita Deles na aariba na ang usapang pangkapayapaan ng pamahalaan sa grupong maka-kaliwa. Ayon kay Deles, hinirang ni Presidente Aquino si Health Undersecretary Alex Padilla para ma­muno sa peace panel na makikipag-usap sa mga rebeldeng komunista.

Lahat ng administrasyon, sapul pa noong panahon ni Presidente Aquino ay nagdaos ng mga peace negotiations sa mga rebeldeng komunista. Mailap pa rin ang kapayapaan. Mabalasik pa rin ang mga rebeldeng komu­nista sa mga ginagawang pananambang at karahasan.

Noong panahon ni Presidente Ramos, ginawang legal­ ang komunismo para ang mga kasapi nito ay malayang makatakbo sa mga pambansang eleksyon. Di pa rin na­wala ang mga pananambang at paniningil ng revolutionary tax ng mga NPA rebels. Naging pribi­lehiyo pa ang peace talks para sa mga miyembro ng government panel na nakaka­pag-biyahe sa kung saan-saang bansa gaya ng Europa sa pagdalo sa mga pulong pangkapayapaan. Sabi nga ng barbero kong si Mang Gustin: “Whataah waste of money!”

Sana, sana lang ay maging kakaiba ang adminis­tras­yong Aquino at magbunga ang mga pagsisikap nito para sa kapayapaan. Sa ganang akin, ang pinaka­mabisang paraan para mapuksa ang rebelyon ay ang pag-aalis sa ugat nito: Kahirapan at kawalang-hustisya. Ang Komu­nismo ay umuusbong sa isang lipunang dahop at walang katarungan. Sa lipunan na ang ma­yayaman ay lalong yumaya­man habang ang mahirap ay lalong naghi­hirap bunga ng ka­tiwalian ng mga namumuno sa bansa.

Korapsyon ang ugat ng re­bel­yon. Okay lang na ituloy ang peace talks. Pero dapat mag­pakita ng sinseridad ang gob­yerno sa hanga­ring i-angat ang antas ng kabuhayan ng mga tao at sugpuin ang kawalang-kata­rungan. Wa­lang rebelyong iiral kapag ang bawat tao ay nabu­ buhay na ma­rangal at busog sa lahat ng pa­nga­ngailangan. Huwag nang sa­bihing pantay-pantay sa kabuhayan dahil mayroong higit na mayaman kaysa iba. Ang ma­halaga lang ay pag­kakapantay ng tao sa lahat ng ser­bisyong ibini­bigay ng pa­mahalaan.

ANG KOMU

AQUINO

HEALTH UNDERSECRETARY ALEX PADILLA

MANG GUSTIN

MUSLIM SOLONS

PRESIDENTE AQUINO

PRESIDENTE RAMOS

PRESIDENTIAL PEACE ADVISER TERESITA DELES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with