^

PSN Opinyon

Unang 100 araw

K KA LANG? - Korina Sanchez -

SA Biyernes na ang unang 100 araw ni P-Noy bilang pre­sidente. Ito lagi ang basehan ng unang grado na matatanggap ng sinumang presidente sa pagpapatakbo ng bansa. At naglalabasan na nga ang iba’t ibang grado mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Siyempre, ang grado na mula sa mga militante at mga medyo nasa kaliwang pananaw at paniniwala ay mababa ang gradong binigay. Pero kelan ba sila nagbigay ng mataas na grado sa kahit sinong umupong presidente? Siguro kung isa sa kanila na ang maging presidente!

At nandyan din ang mga bagong oposisyon, na siyempre walang masasabing maganda kay P-Noy. Mga katulad ni Rep. Edcel Lagman na kapanalig ni dating President Arroyo. Pati ibang miyembro ng simbahan ay nakikisali na rin sa pagbibigay ng grado kay P-Noy. Iba okay, iba bagsak, depende na rin sa pananaw nilang pulitikal na hindi naman nila aaminin. At ang Palasyo naman, siyempre pasado, pero hindi rin sasabihin na mataas ang grado ng presidente, para hindi naman mag mukhang luto ang pag-grado.

Pero para sa akin, ang pinaka-mahalagang grado ay yung galing sa tao, sa mamamayan. Nilabas na ng SWS ang pinakabagong survey nila ni P-Noy, at 71% ang kuntento sa pagpapatakbo nito sa bansa. Napakataas. Dumaan na ang palpak na hostage-taking, dumaan na ang jueteng exposure, dumaan na ang pagbomba sa Bar exams. Mataas pa rin. Pero tandaan, na higit 80 percent ang natamong satisfactory rating ng presidente nung siya’y nagsimula pa lang mamuno. Kaya nabawasan na rin. At sa tingin ko ay dahil sa mga taong nakapaligid sa kanya, partikular mga matatalik niyang kaibigan. Mga nadadawit sa jueteng, mga may panunungkulan at responsibilidad noong hostage-crisis.

Nabawasan ng halos 14 na porsyento. Noong panahon ng kampanya, malaking bagay ito. Kaya dapat pag-aralan na rin ang mga performance rating ng mga nakapaligid sa presidente. Kung ano man ang mga pagkakamali nila ay apektado kaagad ang presidente. Kaya pag-aralan kung pananatiliin pa rin sa kanilang mga posisyon, o bibitawan na, alang-alang sa presidente. Ito ang hindi magawa-gawa ng dating administrasyon, kung saan kasangga pa rin ng mga katulad ni Rep. Edcel Lagman, na bulag sa mga basurang iniwan ng kanyang administrasyon, pero dilat na dilat naman sa mga pagkakamali ng mga tao ni P-Noy. Siyam na taong basura, kumpara sa isangdaang araw na pagbabago. At ano nga ba ang grado ni President Arroyo? Negative di ba? Baka nakakalimutan lang naman ni Lagman.

EDCEL LAGMAN

GRADO

KAYA

P-NOY

PERO

PRESIDENT ARROYO

PRESIDENTE

RIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with