^

PSN Opinyon

Anong dahilan at nagkaka-thyroid gland tumor?

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

Dr. Elicaño, magandang araw po. Itatanong ko lang po ang tungkol sa thyroid gland tumor. Kasi’y nagkaroon ako ng problema sa tonsils noong bata pa ako at ngayong ako ay nasa 30-taong gulang na, problema ko ang mahirap na paglunok. Masakit kapag ako ay lumulunok? Isang sintoma po ba ito na may thyroid gland tumor? Bakit ba nagkakaroon ng thyroid gland tumor?

—MICHELLE A. ng Araneta Ave. QC

Walang tiyak na dahilan kung bakit nagkakaroon ng thyroid gland tumor subalit sinasabing ang paulit-ulit na exposure sa radiation sa dibdib, leeg at ulo noong kabataan pa ang maaaring naging dahilan ng panganib. Sinasabi rin na ang mga nakaraang treatment sa tonsillitis noong kabataan at ganoon din sa Hodgkin’s disease kung saan tumanggap ng doses ng radiation ay nasa panganib magkaroon ng thyroid gland tumor.

Ang palatandaan ng thyroid gland tumor ay ang bukol sa lalamunan at ang mahirap na paglunok. Masyadong mahirap lumunok ang may thyroid gland tumor.

Nararapat isailalim sa operasyon ang maysakit. Aalisin ang bukol o ang lahat ng bahagi ng thyroid. Kapag malignant na ang tumor, aalisin ang mga kalapit na kulane at saka iti-treat ng radioactive iodine. Maaaring manga­ilangan ng antithyroid drugs o kaya’y thyroid hormone replacement.

vuukle comment

AALISIN

ARANETA AVE

BAKIT

DR. ELICA

GLAND

HODGKIN

ISANG

ITATANONG

THYROID

TUMOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with