^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Rebyuhin ang manual sa pakikipagnegosasyon

-

MARAMING leksiyon na nakuha sa madugong hostage-taking noong Agosto 23. Hindi lamang ang Philippine National Police (PNP) kundi pati na ang gobyerno. Isa sa matinding leksiyon na nakuha ng PNP ay ang kawalan ng kasanayan sa sitwasyon at kakulangan sa gamit. Nagmukhang tanga ang mga miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT) ng Manila Police District (MPD). Ngayon pagkaraan ng pangyayari, nagbabalak na ang PNP na magkaroon ng kumpletong kagamitan ang mga miyembro ng SWAT at magkakaroon na rin ng pagsasanay. Nabunyag na dahil sa kakulangan ng pondo ang mga SWAT member umano ang bumibili ng sarili nilang gamit. Habang ang mga opisyal ng PNP ay nasangkot sa pagdadala nang maraming Euros sa Russia noong 2008, marami naman palang SWAT ang kapos sa pondo.

Malaking leksiyon din para sa mga hostage negotiator ang nangyari. Isang malaking kabiguan ang nangyari sa pagitan ng negotiators at ng hostage-taker. Walang nagawa ang mga negotiator na pakalmahin si dating Chief Inspector Rolando Mendoza. Sa mahabang oras na nag-usap, walang naabot at sa dakong huli ay naging madugo. Sa imbestigasyon ng Department of Justice, lumalabas na nagalit pa si Mendoza sa negotiator na si Supt. Orlando Yebra. Pinaratangan ni Mendoza si Yebra na isang sinungaling. Sinabi umano ni Yebra kay Mendoza na naisoli na ang baril na kinumpiska sa kapatid ng hostage-taker. Pero nalaman ni Mendoza na hindi pala. Nagwala na siya.

Nang isalang naman sa imbestigasyon si Chief Insp. Romeo Salvador, sinabi nito na maraming pagkakataon na maaari niyang nadamba si Mendoza. Malapit na malapit lamang daw umano sa kanya ang hostage-taker at kaya niyang dambahin. Pero hindi niya ginawa dahil wala raw iyon sa sinasaad ng manual sa pakikipagnegosasyon. Iyon din daw ang sabi ni Yebra. Hindi raw maaaring dambahin ang hostage-taker kahit mayroong pagkakataon.

Isinakripisyo ang walong turista dahil lamang wala sa guidelines ang pagdamba sa hostage-taker. Kung dinamba ni Salvador si Mendoza, malaki ang posibilidad na walang namatay o kung may namatay maaaring ang hostage-taker lang at ang negotiator.

Dapat rebyuhin ang manual at iakma sa mga pagkakataon. Mahalaga ito para makapagligtas ng buhay.

CHIEF INSP

CHIEF INSPECTOR ROLANDO MENDOZA

DEPARTMENT OF JUSTICE

HOSTAGE

MANILA POLICE DISTRICT

MENDOZA

ORLANDO YEBRA

PERO

YEBRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with