Gun ban na naman, naman, naman

PARA sa mga mahilig magbitbit ng boga baka patanga-tanga kayo kasi may ultimatum ang COMELEC dahil sa September 25, gun ban na kaya ilagay ninyo sa tuktok ninyo ang petsang ito baka masabit kayo sa ipatutupad na butas este mali batas pala.

 Bakit?

Sagot - kampanya para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa ilalim ng Comelec Resolution No. 9019, mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng baril, pagsusuot ng  uniform ng pulis o sundalo  at paggamit ng insignias.

Maraming bawal kapag election period dahil dehins puedeng magpalaya ng mga bilanggo, pagsasagawa ng rally at paglilipat ng mga empleyado o opisyal ng  pamahalaan maging ang  suspension ng mga pro­vincial, city, municipal o barangay officer at ang pagdadala ng bodyguards miyembro  man o hindi ng PNP o AFP.

Ang Barangay at SK elections ay sa October 25 from 7am to 3pm.

Abangan.

* * * * * * * * * * * * * * * *

AFTA sa Customs

BUBUSISIIN ni Customs Commissioner Angelito Alvarez ang mga singit na operasyon ng smuggling gamit ang Association of Free Trade o AFTA.

Marami kasing ogag ang tumitirada dito para mag­ palusot sa gobierno sa pamamagitan ng hindi pagbabayad ng buwis o kung magbayad man ay katiting lamang.

Sabi nga, gakulangot!

Ang AFTA shipment ay covered by halos zero tariff kaya lang maraming magagaling na importers at brokers sa tulong ng mga kasabwat nilang taga - customs at naga­gamot o nado-doktor ng mga ito kung paano gagawin na hindi sila magbayad ng tamang buwis sa gobienro ni P. Noy.

Inangal din ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na bukod sa AFTA shipment ay pinapasukan o sinasamahan pa ng 1, 2 tariff o among others ito.

Ika nga, kapag sinamahan ito ng among others different­ tariff heading ito at ang mangyayari ay papasok sa iba’t ibang section ang kanilang shipments.

Sabi nga, deklaradong mani ang importasyon pero dahil sa among others may mga halong kung anu-anong shipment kaya kung mahuhuli ito siguradong pasok sa misdeclaration ang kargamento.

Ipinapasok pa dito ang form D o E para hindi mag­bayad ng duties and taxes ang mga kamoteng sindi­katong nagsabwatan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat bantayan o busisiin ni Alvarez ang mga shipment ng Sound Ware Trading na ang ginagamit na broker ay isang Edward Paling, Die Rax Enterprises ang broker ay isang kamoteng Jolly Panreza at Rascal Enterprises na ang broker na ginagamit ay isang Juliet Nilaga.

Ibinigay ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga tunay na pangalan ng mga broker at kanilang mga office­ kay Commissioner Alvarez para makalkal ang mga parating na epektos.

Bagsak ang collection ng bureau dahil sa mga sab­watan nangyayari sa parte ng mga sindikato at mga gagong taga - customs kaya naman isa-isang gagawin sampol ni Alvarez para makasuhan ang mga kamoteng ito.

Kamakailan, ay sinampahan ni Alvarez ng kaso sa DOJ hindi lang ang mga broker na nagpuslit ng bigas na dineklarang munggo kundi ang mga kasabwat nila sa bureau.

Sabi nga, hindi nagbibiro si Commissioner Alvarez.

Pababantayan din ni Alvarez ang operasyon ng mga transhipment chemical at iba pa kargamento.

Sa transhipment ng chemical ginagamit ito ng mga sindikato na tinatawag na ‘comouflage’ para lituhin ang mga customs na gumagawa ng maayos sa bureau o ang sinasabing hindi ‘kurap’.

Kapag walang special permit ang shipment na may kemikal dapat itong hulihin agad at huwag ng patagalin dahil makakahanap ang mga sindikato ng mga padrino sa kanilang mga parating.

Halimbawa - droga!

Abangan, ang mga sunud-sunod na hulihan.....

Show comments